Advertisers

Advertisers

GALING NG BATANG KHEVINE DAPAT MAPANSIN

0 157

Advertisers

NAGING panauhin ng aming weekly TOPS Usapang Sports ang penominal na Batang Pinoy pingponger na si Khevine Keith Cruz na nakasungkit ng silver medal sa nakaraang World Youth Table Tennis Contender – Thailand.
Sa murang edad ni Khevine,younger brother ng isa pang table tennis sensation- ang national team member na si Keith Rhynne Ctuz ,alam na niya ang essence ng kumpetisyon sa larangang inilalaro niya ngayon at di man bakas sa kanya na ninerbyos habang kaponger niya ang ibang lahi sa ibayong dagat .

Mas motibasyon niya na lumaban siya nang husto sa pang- mundiyal na torneong nilahukan ng iba’t -ibang lipi at nakapag-uwi siya ng silver medal sa kanyang unang pagdayo sa tulong ng mga generous na kaibigan ng kanyang pamilya at ni Ting Ledesma- pinuno ng PTTFI.

Isipin mo na lang na ang isang batang tulad niya ay magwagi ng medalya sa larangang dominado ng mga Europeans at sa ibang parte ng ating kontinente.



Sagot niya sa mga tanong ng ating ka-Tops ay di man lang siya kinabahan basta ang hangad niya ay magwagi at maipagmalaki niya ang medalya sa kinauukulan ,siyempre di naman niya kilala kung kanino basta sa kapwa-Pilipino at batang tulad niya.

Hindi rin alam ng onse anyos na future table tennis star na kung gaano ang halaga para sa bansa ang kanyang murang edad na kagitingan.

Kaya nga dapat lang na kilalanin ng ating mga opisyal sa Ph sports ang ganitong tagumpay ng isang batang atleta tulad ni Khevine, maimbitahan sa kanilang tanggapan upang personal na batiin partikular ng pinuno ng PSC ang batang world table tennis junior contender silver medalist na si Khevine na tiyak na lalo pang makaka-inspire at ma-motivate ang bata para sa future tournaments .Kaya huwag nang antaying mag-gold pa muna ang silver bago siya kilalanin ng PSC Chairman Noli Eala at iba pang kinauukulan… motivate them young..now na… ABANGAN!