Advertisers
PATAY ang isang negosyante sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Edwin “Bon-Bon” Sindatok Edzla, dating tumakbong municipal councilor sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao nguni’t hindi pinalad.
Ayon kay Midsayap Chief of Police, Lieutenant Colonel Rolly Oranza, sakay ang biktima ng Isuzu DMax pickup ( LFJ 269) sa Quezon Avenue Barangay Poblacion 5 Midsayap Cotabato nang dikitan ng riding in tandem at pinagbabaril ng kalibre.45 na pistola.
Patay agad ang biktima sa dami ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan. Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo na walang plaka.
Kinondena naman ni Midsayap Mayor Rolly Sacdalan ang pamamaril sa biktima.
Giit ng alkalde, personal siyang naalarma sa patuloy na patayan nitong mga nakaraang araw sa loob mismo ng kanyang nasasakupan.
“With the latest incident happening along Quezon Avenue today, I was prompted to call the attention of our law enforcement. Sa puntong ito, patuloy ang ating masinsinang imbestigasyon at pag-aaral sa mga karahasang nangyayari sa ating bayan,” ayon kay Mayor Sacdalan.
Rido o personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pagpaslang sa biktima.