Advertisers
HINAGISAN ng granada ang pinapatayong bahay ng dating mayor ng Albarka sa Lamitan City, Basilan, Martes ng gabi, September 20.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa pagsabog ng granada sa ginagawang building sa bakuran ni dating Albarka Mayor Mujib Hassan Jakilan sa Santol Drive, Barangay Bato, Lamitan City.
Ang Lamitan City ang isa sa dalawang lungsod na sakop ng Basilan na mayroong 11 municipalities.
Dalawang lalaking naka-motor ang naiulat na nagsagawa ng naturang grenade attack.
Inaalam pa ng mga imbestigador mula sa Lamitan City Police Office kung sino ang mga salarin.