Advertisers

Advertisers

2 in 1 omicron variant and sub-variant para sa second generation vaccine

0 228

Advertisers

PAALALA para sa sambayanang Filipino. Pinaghahandaan ng gobyerno ang pagkakaroon ng second generation vaccine. Ito ang bagong bakuna na 2 in 1 omicron variant and sub-variant.

Sa Ugnayan sa Batasan majority forum, ipinaliwanag ni Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janet Garin na 2 in 1, ito ang komposisyon ng original vaccine dagdag pa ang bagong bakuna na tiyak para sa omicron variant and sub-variant.

Batay sa clinical studies studies na ipinadala ng scientific community sa bansa, napakaganda ng kahusayan at bisa ng 2 in 1 vaccine para sa omicron variant at sub-variant, sabi ni Garin.



Mas maigi aniyang preparado at hindi nagko-kompiyansa para na rin sa kabutihan ng bansa dahil hindi pa tuluyang natatapos ang pandemiya.

“Hindi matatapos ang pandemiya ng covid 19 kapag walang nag-benepisyo sa second generation vaccine. Magiging epektibo lamang ang scientific breakthrough kung papayag ang taumbayan na sila ay magpabakuna,” dagdag pa ni Garin.

***

Private entity ba ang DENR?

NITONG nakaraang araw, nakatanggap ng email message ang Congress Files mula sa isang grupo ng mga empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay sa mga na-obserbahan nilang hindi umano maayos na pamamalakad ng ahensiya.



Nais nilang ipaabot sa liderato ng DENR ang kanilang hinaing tungkol sa delay ng halos tatlong Linggo ang kanilang sahod, regular employee man o contractual. Wala rin silang over-time pay kahit sumobra ka sa oras o pumasok ng Saturday, Sunday at Holidays.

Dahil dito, napipilitan ang mga empleyado na isangla ang kanilang ATM (Automated Teller Machine) cards.

Bukod pa rito, wala silang sick leave at vacation leave at no work, no pay. Ang masakit, mas delay pa raw ng isang buwan ang sahod ng mga regular employee.

Sa pamunuan ng DENR, kung maaring paki bigyan ng atensyon ang reklamong ito ng inyong mga empleyado dahil hindi nila alam ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito samantalang budgeted naman lahat ang programa ng ahensiya.

Mayroon kayo (DENR) ng P25.29 billion proposed budget para sa taong 2022 upang tustusan nito ang mga programa na papatnubay sa agenda ng gobyerno tungo sa pag-unlad ng bansa.

P23.041 billion budget para naman sa taong 2023 upang maipagpatuloy ang isang green and blue economy at makalikha ng trabho. Sa proposed 2023 budget ng DENR, kabilang dito ang personal services (PS) na may pinakamalaking bahagi ng general expense class na may P10.90 billion o 45.3% ng total budget.

***

Tropang Paa (ng manok)

NABUO ang Tropang Paa (ng manok) sa birthday celebration ni Ronald Herrera, ace cameraman ng GMA 7 sa 80’s Bistro, Biyernes.

Ito na rin ang ipinangalan sa Viber group.

Kompleto ang tropa kasama sina Pareng Rommel Butuyan ng Pilipino Mirror, Joe Magadia, GMA7 partner ni Roland; ang mag-partner na sina Edgar Soberano at Solomon Amorganda, ABS-CBN; Kiko Peralta, CNN, sayang hindi nakasama si Henry. Allan Cinco, IBC 13; Patrick Borac at Francis Anionevo, UNTV; Ace Juancho, PTV 4; Tirso Josep at Nelson Lucas, TV5, Madz Labog ng HRep Media Center at Roger de Mesa, MARO ng Office of the Speaker at syempre kasama rin ako.

Hindi matatawaran ang magandang samahan ng mga cameramen at assistant cameramen na kumokober sa House of Representatives. Hindi nawawala ang biruan sa grupo pero walang pikunan. Tulong-tulong sila para makakuha ng magandang anggulo sa bawat committee hearings at plenary coverages.’Ika nga, walang iskupan! Maliban na lamang kung may exclusive interview.

Pinagtatabi rin ng pagkain ang bawat isa sa mga kasamahan na naiwan sa coverage. Tulong-tulong din sa pagbitbit ng mabibigat na mga kagamitan.

‘Yan ang Tropang Paa (ng manok)! Hindi matitinag, hindi matatakot at higit sa lahat hindi malakas uminom ng alak! Hehehe.

Ngapala, kaya binansagang Tropang Paa, madalas kasing magbaon ng adobong paa ng manok na maanghang si Kiko ng CNN.

Welcome rin sa bagong miyembro ng TPm ang mga beteranong dyarista na sina Zaldy de Loyola at Lito Reganit ng Philippine News Agency (PNA).

Kung sino pa ang gustong sumapi sa aming samahan, mangyari lamang na ipagbigay sa pamunuan ng TPm, upang mas lalong lumakas ang ating samahan at ipinaglalaban!

Mabuhay ang Tropang Paa (ng manok).