Advertisers
TUNAY na naiiba kapag ang lider ng isang pamayanan ay bata pa ,energetic,aktibung -aktibo at alam na alam ang nararapat para sa kabataan ng kanyang nasasakupan..
Mapalad ang mga taga Bacoor sa lalawigan ng Cavite sa pagkaroon ng kanilang alkalde na may ganitong katangian.
Kaya nga ang pamosong lungsod ay masiglang- masigla sa lahat ng aspeto sa kapakanan nng Bacooreños at pwedeng ipantapat alinman sa mga mauunlad na siyudad nationwide.
Pangarap pala ni Mayor Strike Revilla na gawing isang sports hub o mecca ng bansa ang Bacoor City at determinado niyang tuparin habang siya ang nasa poder ng kapangyarihan at naisagawa na ang mga higanteng hakbang nito tulad ng pagpapatayo ng mga modernong imprastrakturang pang- sports tulad ng bagong STRIKE Gymnasium na pinagdarausan ng mga muli- events ng lungsod sa timon ni sports head Sidney Solis.Puno ang kalendaryo ng sports activities maging para sa ibang individual at team sports.
Marami nang nadedevelop na mga batang atleta ang nadidiskubre mula Bacoor kaya ninais na ng butihing alkakde na magpatayo ng state of the art stadium ,coliseum o arena,diamond field,football fitch,olympic standard swimming pool at iba pa na kaya nang ipang- host ng Bacoor City ng international at domestic sports events sa hinaharap .
Kaya nga full battle geared ang sports csar na si sportsman Solis sa napakalaking proyektong mistulang build,build,,build ni Mayor Strike na optimitiko tayong ito ay magiging realidad… ABANGAN!