Advertisers
Kamakailan, nitong September 1 ang ating kolum na may pamagat na “URBAN POOR SA OLD BALARA, QC POPROTEKTAHAN NG PCUP AT QCPD!”.., ay tila MISINFORMATION dahil ang nagpakilalang PRESIDENT ng mga SAMAHANG residente sa naturang lugar ay naghayag na taliwas ang naging kaganapan at sa halip ay hindi nabigyan ng proteksiyon ang mga ito.
Bilang pagrespeto sa karapatan ng bawat panig ay narito po ang inimail sa ARYA na pagpapaliwanag ng nagpakilalang VILANA PRESIDENT LINO BUIZON .,
Dearest Irwin Corpuz,
Magandang araw, Ipinaabot ko lang po ang kaliwanagan ng pangyayari noong nagpatupad sila ng demolisyon, noong umagang nangyari ang demolisyon, maaga pang deniploy ang mga kapulisan sa lugar kasama ang isang trak anti- riot pulis at DPOS ng city hall, brgy. tanod ng brgy. Old Balara.
Una po nilang tinarget yong mahigit na anim na kabahayan sa pangunguna po ng nagpakilalang sheriff na si Carol Bulacan ng RTC Brch 84 ng QC kasama ang abogado ng umaangkin ng lupa inisa isa nila ang bawat bahay at sinabihan lang nila ilabas lang ang mga gamit ng mga residente na ikinagulat ng mga residente, pag tinatanong nasaan order ng korte writ of demolisyon at execution wala silang ipinakikita sa amin, noong inilabas na yung mga gamit ay pinagigiba na nila ang mga kabahayan at pinilit po sila na itambak ang gamit sa aming covert court at doon lahat at pansamantala sila nanirahan at dali-dali binakuran ang lugar at sinara ang daanan para hindi makalabas ang mga residente para maitago ang nangyayari at mag isang buwan na rin sila doon. Noong nangyayari ang demolisyon pinapunta ko po sila sa PCUP, HUMAN RIGHTS at Anti-Poverty Comm. wala po kaming napala sa pagdulog namin sa ahensiya ng Gobyerno at anong sinasabi nyo. protektado, ng PCUP at QCPD ang sinasabi nyo sa kolum nyo.
Katarantduhan ang nangyayari sa aming Urban Poor dito sa brgy. Old Balara at sa iba pang panig ng lugar naming mahihirap sa gobyernong ito. Ultimo maliit naming chapel walang habas pinaglalabas nila ang Santo at gamit ng simbahan namin na walang pahintulot na sinira nila ang kandado makatao ba ang ginawa nila sa aming mahihirap? Tapos kayo pang nasa (mefia) ay mali ng ispel media pala halatang nagpapagmit kayo sa mga makapangyarihan mapera at nasa kapangyarihan ultimo maliit naming simbhan na pinaghuhugutan ng aming mga problema binalahura niyo pa!!
Nasaan ang hustisya, ngayon yong natitira mahigit na 30 pamilya ay nanganganib na mademolis ulit sa katabing lote na pinatawag sa brgy. Old balara na binibigyan na naman sila ng babala na umalis na sila ng nagpapakilalang may-ari ulit, na hanggang October 2022 yon sinasabi niyo sa kolum na nang haharass na mga guwardiya sa mga residente, sila po ay hina-hire nang aming Kapitan Allan Franza sa security agency na pagmamay-ari ng nag-ngalang Mila Mitra na ang opisina sa Villa Beatriz malapit sa bahay ng aming kapitan.
Ngayon po nagkaroon na kami ng agam-agam sa matagal namin paninirahan sa lugar na di-malayo
darating ang kinatatakutan naming panibagong demolisyon sa aming Brgy. Old Balara sa napakabuti naming hindi kumu-korap namin Kapitan na napakayaman na na halos lahat ay gustong ariin ultimo kalsada nasa pangalan na niya puro AF VILLE na ang aming kalsada.
Sana po maintindihan nyo ang sulat kong ito sa mga kalinawan ng mga pangyayari sa aming masayang Matandang Balara. at sana naman iheadline ang kwento at pangyayari, pati ba yung pagbabalita niyo nasa pinakamaliit na espasyo kolum lang tawagin sa dyaryo. nagbalita pa kayo?
Sa mga ganitong sitwasyon ay hindi natin maiaalis na magdamdam.ang sinuman tulad nitong si MR. BUIZON dahil iba ang pinalalabas sa MEDIA ng ilang GOVERNMENT AGENCIES na sila ay nagbigay asiste at proteksiyon sa mga nangangailangan.., na isa sa dapat ipinaiiral ay ang pagsasagawa ng PRE-DEMOLITION CONFERENCE bago maglunsad ng anumang demolisyon.., dapat ang mga apektadong residente ay kasama sa PRE-DEMOLITION CONFERENCE.
Bukod diyan.., ang nag-aangkin ba ng lote ay napatunayan na niya o nila sa korte na ang isinasaad sa hawak nilang LAND TITLE ay tugma ba sa lugar na inaangkin nila? Saan ibinase ang sukat at sa titulo ay mayroong nakasaad diyan halimbawa sa north side ay pag-aari ni Juan Tuso; sa south side ay pag-aari ni Maritess Dalahera; sa east side ay si Pedro Pendoko nagmamay-ari at ba pang impormasyon.., pero tila maging ang KORTE natin ay hindi ginagawa ang malinaw na mga beripikasyon at kung ano na lamang ang iprisinta ng sinuman e iyon na ang pinaniniwalaan!
Nasaan nga ba ang sinasabing hustisya kung ang laging kinakatigan ay ang mga may perang pantapal para mapaalis sa lote ang mga pobreng mamamayan.., na maging ang KORTE ay hindi na nagsasagawa pa ng pagsusuri kung ang mga ipinapakitang titulo ng lupa ay iyon nga ba ang lugar na tinutukoy sa mga ipinapakitang titulo?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.