Advertisers

Advertisers

Andrea Garcia palaban sa hubaran!

0 4,298

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

IPINAHAYAG ng newbie Vivamax sexy actress na si Andrea Garcia na bata pa lang ay pangarap na niya talagang maging artista.
Kaya naman nang nabigyan ng chance, hindi na niya pinakawalan pa ang hinihintay na opportunity at sumabak na siya sa mga daring at nakapag-iinit na eskena sa mga proyektong natoka sa kanya sa Vivamax.
Sa vital statistics niyang 38-24-36, swak na swak si Andrea sa mga pelikulang pangpagana at pampainit ng puson ng mga barako!
Si Andrea ay apo ng veteran acress na si Marissa Delgado at unang napanood sa Vivamax sa seryeng Iskandalo ni Direk Roman Perez. Gumanap siya rito bilang isang police woman.
Kuwento ng seksing-seksing si Andrea, “Bata pa lang ako ay gusto ko na talagang mag-artista katulad ng lola ko na si Marissa Delgado. At dahil doon, halos every summer ako ay pinag-a-acting workshop. Ako ay nakasali sa Viva dahil sa kapal ng mukha, hahaha!
“Pero seryosong usapan, ako po ang lumapit sa handler ko na si John Navarro. Nag-message lang ako sa kanya sa Instagram na gusto kong maging artista at ako ay inimbita para mag audition sa Viva HQ.”
Aniya pa, “Malapit na pong maipalabas ang bago kong film na Alapaap, produced by Direk Brillante Mendoza and directed by Freidrick Cortez.
“Sa kasalukuyan ay nagsu-shoot din po ako ng ilan pang projects na mag-premiere rin by the end of the year.”
Ano ang limitations niya sa pagpapa-sexy o paghuhubad sa pelikula?
Esplika ni Andrea, “Wala naman po akong masyadong limitations talaga. As long as yung ka-love scene ko ay professional din, walang problema basta para sa ikagaganda ng pelikula.”
Ayon pa sa dalaga, wala siyang keber kahit bansagan pa bilang isang bold star.
“Game na game ako kung bansagan man ako bilang isang bold star! Sa akin naman walang mali sa term na ‘bold star,’ kasi iyan naman talaga ang tema ngayon.
“I love being sexy, I embrace it and it makes me more confident,” nakangiting pahayag pa ni Andrea.