Advertisers

Advertisers

Dahil sa suspensyon ng NCAP: Mayor Honey magpapakalat ng mas maraming traffic enforcers

0 414

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna ang planong pagpapakalat ng mas maraming traffic enforcers sa mga kalye ng lungsod dahil sa suspensyon ng NCAP o non-contact apprehension bunga ng desisyong ipinalabas ng Korte Suprema.

Sa isang pahayag na inilabas ng spokesperson ng alkalde na si Atty. Princess Abante sinabi nito na …”The mayor assured Manila residents and motorists that regardless of the suspension of the NCAP, the Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) will continue to strictly enforce traffic regulations to maintain order, discipline and safety along the roads. ”

“Lagi pong bukas ang mga tanggapan ng Lungsod ng Maynila para tumanggap ng anumang reklamo at pati na rin sa NCAP. Sa katunayan po, may adjudication board po ang naturang sistema kung saan maaaring i-kontest ng motorista ang Notice of Violation,” ayon pa sa pahayag.



Sinabi ng alkalde na ang pamahalaan ng lungsod ng Maynila ay susunod sa desisyon ng Korte Suprema sa inilabas nitong temporary restraining order.

“Nauunawaan namin at itinataguyod ang karapatan ng sinumang mamayan na kwestyunin ang anumang gawain ng pamahalaan tungo sa ikabubuti ng lahat,” ayon sa sa inilabas na pahayag.

Idinagdag pa nito na …“Batay sa mga petisyon na sinampa sa Korte Suprema, sinasabi nitong may mga pagkukulang at problema ang NCAP. Nararapat lamang na pag-aralang mabuti sa korte ang mga naturang mga puna at sinasabing mga problema sa N-CAP ng gayo’y mabigyan ito ng resolusyon.”

Sinabi pa ni Lacuna na anuman ang desisyon na lilitaw sa pag-aaral, pagre-review at pag-uusap kaugnay ng mga reklamo sa NCAP, sinisigurado ng alkalde sa mga residente ng Maynila na ang pamahalaang lungsod ay patuloy na magpapatupad ng paraan para sa maayos na daloy ng trapiko sa mga kalye sa lungsod. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">