Advertisers

Advertisers

Wilbert ‘tinuhog’ ang limang babae sa pelikula

0 495

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MULING mapapanood ang aktor at dating Hashtags member na si Wilbert Ross sa pelikulang kumpletos rekados ang timpla: ang sex comedy na 5-in-1 na streaming na sa Vivamax simula sa Setyembre 23.
Sa naturang pelikula, tinuhog niya ang limang babae na ginagampanan ng Vivamax sex sirens na sina Rose Van Ginkel, Jela Cuenca, Angela Morena, Debbie Garcia at Ava Mendez.
Ayon pa kay Wilbert, hindi siya worried na ma-typecast sa sexy comedy roles tulad ng pinasikat niyang karakter na si Boy Bastos.
Aniya, okey lang daw sa kanya kung ituring siyang pantasya ng mga kababaihan at sangkabekihan dahil sa kanyang paghuhubad at pagpapakita ng puwet.
Proud din daw siya kung may nagsasabing siya umano ang tinaguriang bagong tagabinyag ng sexy actresses ng Vivamax.
Hirit pa niya, kung may naeelya raw sa kanyang pagganap sa naughty roles, ibig sabihin noon ay epektibo siya bilang aktor.
Nai-inspire rin daw siya kapag may mga faney na nakaka-appreciate ng kanyang musika bilang singer at recording artist at ng kanyang brand of humor sa sexy at comic roles na ipino-portray niya.
Kumpara rin daw sa kanyang maelyang role bilang Dick sa 5-in-1 (Patay Kang Manyak Ka!), never pa raw niyang ginawang tuhugin o pagsabay-sabayin ang limang babae sa tunay na buhay.
Aniya, ang impression daw kasi sa kanya ay madalas na harmless at inosente sa mundo.
Speaking of Direk GB Sampedro, aminado naman siyang favorite actor niya si Wilbert.
Nakikita kasi niya na nadodoble ang dedikasyon ng singer-actor tuwing nagkakasama sila sa isang proyekto.
Pagkatapos ng sexy movie na Boy Bastos at seryeng High on Sex, muling mapapanood si Wilbert sa pelikulang 5-in-1 na ginagampanan niya ang papel ng babaerong CEO ng isang coffee business.
Mula sa direksyon ni GB Sampedro, mapapanood na sa Vivamax simula sa Setyembre 23.