Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
NAKABALIK na ng bansa ang pitong artistang Kapuso na kalahok sa pinakamalaking reality game show na Running Man PH na isa sa mga popular na variety show sa South Korea.
Last Feb. 2020, pumirma ng kontrata ang GMA Entertainment Group sa SBS Korea para sa local version ng nasabing game show.
Ang Running PH ay tatampukan nina Glaiza de Castro, Mikael Daez, Ruru Madrid, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Angel Guardian at Buboy Villar.
Ang buong season ay kinunan sa lokasyon kung saan kinunan ang original series sa South Korea.
“Alam nyo naman ako sobra hilig ko mag-travel so sobrang na-excite ako na magtrabaho outside the Philippines after so many things have happened to us in the world,” sey ni Mikael.
Ayon nman kay Glaiza, hindi raw madi-disappoint ang Pinoy fans sa Running Man PH.
Dagdag naman ni Ruru, “This time wala kaming ginagampanan na role kaya mas makikilala kami ng mga tao at gusto ko rin patunayan na hindi ako puro pa-pogi lang.”
Panatag naman si Buboy na mamahalin ng audience ang cast, “Swak kaming lahat dito dahil bawat isa samin may kani-kanyang character—may maingay, may sobrang competitive kaya sigurado akongagmamarka ito sa mga tao.”
Tsika ng grupo, naging maganda umano ang samahan nila sa Korea. Mas naging close raw sila at naging competitive sa mga challenges.
Wag kalilimutan ang world premiere ng Running Man PH sa Sept. 3, tuwing Sabado, 7:15 ng gabi at 7:50pm tuwing Linggo sa GMA7.