Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA interview sa King of Talk na si Boy Abunda ng Pep.ph., sinabi niya na muli siyang mapapanood sa telebisyon.
Sabi ni Kuya Boy,”I wanna go back to television. Ako’y paalis dahil I host Ten Outstanding Filipinos in America ngayong taon. And I’ve been doing that for like eight, nine years. So pagbalik ko, I’m hoping to do television.”
Dagdag niya,”And I’m hosting Olivia Quido’s beauty product launch in New York with the current Miss Universe. I’m hosting that” .
Kahit sinigurado ni Kuya Boy na magbabalik na siya sa telebisyon, hindi pa rin niya masabi kung saang TV network siya mapapanood.
“Hindi ko pa alam pero marami akong kausap.”
Kamakailan ay nag-host si Kuya Boy ng round-table discussion ng Kapamilya teleseryeng Flower of Evil. Posible bang mag-host siya ng kaparehong ganap para sa GMA-7?
“Anything is possible,” nakangiting sagot ni Kuya Boy.
Meron na bang negotiations?
“Kung magugustuhan nila ako. Hindi! May mga pag-uusap. May mga pag-uusap, hindi lamang sa Channel 7,” pag-amin ni Tito Boy.
Hindi naman naramdaman ni Kuya Boy na hindi na siya gusto ng mga taga-GMA 7?
“Ay! Wala naman. Wala naman akong naramdaman na hindi ako gusto ng GMA-7,” nangingiting sagot ni Kuya Boy.
“I have remained very good friends with the bosses, even the staff, the people I worked with in GMA-7. Napakaganda ng relasyon ko.”
Sa bubuksang Advanced Media Broadcasting System (AMBS), may offer ba ito sa kanya?
“Ay! Wala akong offer from… ahh… from the Villar group? Wala. I have had no conversations with them,” sagot niya.
So, may definite offer na ang GMA-7 sa kanya?
“Nag-uusap. Nagpaalam ako niyan sa ABS dati kung puwede akong makipag-usap. Pinayagan naman akong makipag-usap,” sabi pa ni Tito Boy.
“Pero andun pa lang, lumulutang. Sa ngayon, wala talagang kasiguraduhan pa. Pero ang alam ko lang, I’m back on television.
“Tatlong taon na po akong walang trabaho. Tatlong taon na po akong jobless. Nakiusap? Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Tatlong taon na ho akong walang trabaho,” natatawang sabi pa ni Kuya Boy.
Sa telebisyon lang naman walang project si Kuya Boy sa loob ng tatlong taon. Pero kahit wala siyang trabaho that time ay marami naman siyang impok, di ba? Besides, may YouTube channel siya at may mga business. So, hindi pa rin naman siya nawawalan ng pera.
Pero siyempre, iba pa rin yung may show siya sa telebisyon, na dagdag income sa kanya. Kaya gusto niya nang magbalik-telebisyon. Plus, ang sinabi naman niya rati, gusto niyang napapanood pa rin siya sa free channel. Malawak kasi ang sakop nu’n, di ba?
***
SA isang interview kay Julia Barretto, kinuha ang reaksyon niya tungkol sa balitang umano’y may namumuong relasyon sa boyfriend niyang si Gerald Anderson at Kylie Padilla.
Nagsimula ang tsismis sa dalawa nang mag-shooting sila ng isang pelikula sa ibang bansa.
”I’ve always been very private with my personal life. I think with everything that has happened before, I’ve learned to be protective of my personal life.
“So, I’d like to keep that as private as much as possible and I’m just drawing that boundary between work and my personal life,” sagot ni Julia.
Busy ngayon si Julia sa promo ng latest movie niya mula sa Viva Films titled Expensive Candy na gumaganap siya bilang sex worker sa Angeles City.
Si Carlo Aquino ang leading man niya sa nasabing pelikula. Ito ang first time na nagkatrabaho ang dalawa. At masaya si Julia dahil matagal niya nang gustong makatrabaho ang award-winning actor.
“Matagal ko na siya gustong makatrabaho. We call him sa set as the icon.
“Everyone wants to work with Caloy. But for me, it should always be the right project, the right time, and hetong Expensive Candy is the right vehicle for us and I am very happy to work with him in this movie. We helped each other in so many scenes,
Ang Expensive Candy ay showing na sa mga sinehan nationwide sa September 14.