Advertisers

Advertisers

MONTALBAN EXHIBIT FOR A CAUSE

0 324

Advertisers

ISANG makabuluhang programa para sa manamayan ng Montalban sa Rizal ang idinaos kamakailan sa pinagsamang pagsisikap mula non- government organization ( NGO) at local government unit( LGU) ng naturang bayan.

Inilunsad ng samahang MONTALBAN LABAN LUNGS sa pangunguna ng pangulong si Mario Garrovillo( dating football player at volleyball enthusiast/ sports organizer/ public servant) at ikalawang pangulo Nelson Tolero,Jr. ang matagumpay na 2-days Trials and Triumph Photo Exhibit for a cause sa Montalban Municipal Gymnasium.

Ang naturang adbokasiya ay kinilala ng Philippine Alliance to Stop Tuberculosis( PASTB) gayundin ng ACHIEVE na naglalayong protektahan ang bayan sa matagal nang deadly na virus at suportahan ang mga naging apektado na ng karamdamang tuberculosis na wala ring sini-sino mula sa mga sektor ng vulnerables (senior citizens at adults),maging kabataan o kasalukuyan at naging ATLETA man.



Todo suporta naman sa makabuluhang programa si Montalban Mayor Gen.Ronnie Evangelista at kanyang Sangguniang Bayan na pinapurihan ang samahang MONTALBAN LABAN LUNGS sa adbokasiyang labanan ang stigma at deskriminasyon sa mga tinamaan ng karamdaman.

Ang exhibit for a cause ay dinaluhan din ng mga grupong BHW, komunidad ng LGBT sa pangunguna ni MLL adviser Harry Dacdac at mga lingkod barangay (Burgos) sa hinaharap sa pamumuno ni Team DC ( Darcy Cruz) at teammates kagawads na sina Edward Millan,Jose Recto Blasing, Emmanuel Camacho,Jhon Gonzales, Romeo Pampiyok Primero,Mario Garrovillo , SK leader Victor Neri at kagawad SK (to be) niyang sina Angelica Shane Francisco,Karon Alexander Araullo,Rizz Martin Cruz, Jayr Corre, Ryan Joseph delos Santos, Joshua Calag at Jolo Fritz Gutierrez.

Ang PASTB na isa sa network ng 18 civil society organizations ay umiikot na rin sa buong kapuluan sa pagpalaganap ng naturang adbokasiya sa buong sambayanan mula Luzon , Visayas ay Mindananao.

Hats off sa MLL, Montalban LGU,Mayor Evangelista, NGO na PASTB,BHW,LGBT,mga taal na lingkod barangay( Team Darcy) ng Burgos kung saan ang malasakit sa kababayan ay siksik at bumubuhos.

Galamano at hindi uppercut ang deserve para sa inyo… SALUDO at MABUHAY!



Lowcut: Sa mga kabataan ng Burgos, Montalban, abangan ang ilalatag na makabuluhang sports program ng Team Darcy Cruz sa timon ni public servant/ sportsman Mario Garrovillo..high five sa inyo!