Advertisers
Hindi katanggap-tanggap ang naging paliwanag at rason ni Philippine National Police (PNP) chief, General Rodolfo Azurin Jr. sa naging reassignments nina former PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr. at PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonya sa Visayas at Mindanao.
Tila pinersonal ng bagong liderato ng pambansang kapulisan ang number 2 at number 3 men ng PNP.
Ang umano’y deployment nina Sermonya at Danao sa malalayong lugar sa Kabisayaan at Western Mindanao ay masasabing pangungutya at pambabastos sa dalawang 3-star generals na dating hawak ang posisyon bilang Deputy Chief for administration at operations.
Sa ipinalabas na Special Order ni Gen. Azurin dated August 8 , 2022, inalis sina Danao at Sermonya sa number 2 at number 3 positions at itinapon sa tinaguriang “KANGKUNGAN” assignments.
Ito ay nakapangyari kahit pa nga wala pang confirmation o clearance na ibinibigay ang National Police Commission (NAPOLCOM) na isang protocol.
Kahit sino ang tanungin, mistulan itong insulto at sampal sa dalawang decorated PNP generals na sina Sermonya at Danao.
Lalo na kay Danao na nagsilbi bilang officer-incharged (OIC) ng PNP sa panahon ng Halalan2022.
Si Danao ay kilalang “bata” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte samantalang si Azurin ay isang Marcos boy at isang genuine Ilocano.
Sa paliwanag ni Azurin na gusto lamang niyang mag-SHINE kapwa sina Danao at Sermonya sa kani-kanilang mga police careers kung kaya’t pinagkalooban niya ang mga ito ng sarili nilang regional police commands ay nagpataas ng kilay sa marami pang senior officers ng PNP.
“Tell that to the Marines”!
Wala nang kailangan pang patunayan sina Sermonya at Danao sa kanilang karera bilang mga alagad ng batas.
Napakarami na nilang mga achievements at accomplishments kung kaya’t isang malaking pambobola at kasinungalingan sa publiko ang naging pahayag ni PNP chief Azurin.
Ayon sa ating mga Camp Crame sources, malaking factor sa naging pagtapong ito kina Sermonya at Danao ay may patungkol sa giyera kontra droga at illegal gambling.
May ilang Diyos umano sa Kampo Crame na nagnanais na ma-isolate ang dalawang 3-star generals malayo sa Metro Manila o seat of power ng gobyerno para mawala na umano ang kanilang “clout” sa police community.
Umano ayon pa sa ating mga sources, malalim ang ugat nina Sermonya at Danao sa mga pangunahing stakeholders ng kapulisan.
Kabilang ba sa mga stakeholders na ito dyan sa PNP ang mga druglords, gambling lords at kingpins ng mga sindikato?
Nagtatanong lang po!
Sa huling pahayag na ito, sadyang di natin alam o maarok kung ano nga ba ang tunay na pakahulugan dito ng mga tao o kapwa opisyal nina Sermonya at Danao sa naturang sweeping and daring statement.
May kinalaman ba dito ang tungkol sa “intelehensiya o PAYOLA” mula sa mga tinaguriang NINONG at NINANG ng PNP.
Puwede namang panatiliin na lamang sina Sermonya at Danao bilang top 2 & 3 ng PNP pero bakit nga ba kinailangan pang ipatapon sila sa kangkungan?
Para ba alisin ang kamandag ng dalawang mamang 3-star generals?
Ang masakit dito, after giving all their best years in the police service, ganito pang treatment ang ibinigay kina Sermonya at Danao.
Ang pagtatapon sa Visayas at Mindanao para sa ating mga kapulisan ay tradisyong iginagawad sa mga scalawags at malatubang mga pulis sa loob ng police circle.
To be honest and frank about it, napapansin natin ang tila breakdown sa peace and order situation sa maraming lugar dito sa bansa makaraang pumasok sa poder ang bagong administrasyon.
Patunay dyan ang pagdami ng krimen gaya ng kidnapping, rape, salvage, daring hold up, assassinations, ambush and what have you.
Ang masakit, tila napakabagal ng reaksyon at resolusyon ng kapulisan sa mga krimens nako-commit
Unti-unti itong gumagapang muli sa sistema ng buhay ng bawat Pinoy.
Pangamba itong bumabagabag sa kalooban ng marami sa ating mga kababayan lalo na sa mga magulang na ang feeling ay di na safe ang kanilang mga anak tuwing lumalabas ng bahay.
Malaking hamon ito kay PNP chief Azurin, kay DILG Sec. Benhur Abalos at mismong kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Tila ba “back in circulation” na naman ang mga sindikato sa ating bansa taking advantage of the situation na abalang-abala ang Pangulong Marcos at ang pamahalaan sa pagtutok sa economic recovery ng estado at sa samu’t saring complex problems ng Pilipinas.
Kailangan marahil magkaroon ng solidong disposisyon ang PNP, DILG at iba pang sangay ng pamahalaan na nangangalaga sa peace and order.
Isang MATAPANG at seryosong kampanya laban sa mga demonyo ng lipunan.
Kung kailangang may MATUMBA para maging ligtas ang mas nakakarami ay gawin now na bago pa man maging huli na ang lahat.
Karamihan sa mga sindikato sa iligal na droga ay sumusubok na namang bumalik sa kanilang bulok na opisyo.
These syndicates were literally “TESTING THE WATERS”!
Na dapat lamang harapin nang buong tapang at katatagan ni Gen. Azurin and his men for the sake of our kababayans.
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com