Advertisers

Advertisers

CHED UNVAX POLICY BINATIKOS NG PAO!

0 1,339

Advertisers

Sa rami ng mga reklamo hinggil sa mga mag-aaral na hindi.makaenrol dahil sa hindi bakunado o semi-vaccinated ay binatikos at ipinunto ng PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) na UNCONSTITUTIONAL ang ipinaiiral na POLICY ng COMMISSION ON HIGHER.EDUCATION (CHED).

Ito ang naging pagdidiin ng (PAO) kahapon na ang mga UNIVERSITIES ay hindi nararapat magpairal ng polisiyang mga bakunado lamang ang maaaring makaenrol at makilahok sa face to face classes.dahil labag sa constitution ang DISCRIMINATORY.

Ipinunto ni PAO CHIEF ATTY. PERSIDA ACOSTA na si CHED CHAIRMAN PROSPERO “POPOY” DE VERA III ay marapat na itulad na nito ang panuntunan ni VICE-PRESIDENT at DEPARTMENT OF EDUCATION (DepEd) SECRETARY SARA DUTERTE na dapat ipaiiral ang NON-DISCRIMINATORY POLICY sa mga mag-aaral.., na kahit partially vaccinated o hindi bakunado ay kailangang tanggapin ang pag-eenrol.



Mga ka-ARYA.., marami palang mga mag-aaral sa KOLEHIYO ang hindi makapag-enrol dahil partially vaccinated lsmang at ang iba ay hindi nagpabakuna.., dahil ang mga COLLEGES o UNIVERSITY ADMINISTRATORS ay sumusunod lamang umano sa ipinalabas na CHED MEMORANDUM ORDER NO. 01 Series of 2022 na nagsasaad na “wherein only fully vaccinated teaching, non-teaching personnel and students shall be allowed in the premises, while unvaccinated or partially vaccinated students shall continue under flexible learning modalities.

Eto ang malaking problemang kinalaharap ngayon lalo na ang mga nasa COLLEGE LEVEL na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa nakaka-enrol dahil partially vaccinated o totally hindi pa nagbabakuna.., gayong sa susunod na linggo na ang klase ng mga nasa COLLEGE.., gayung may batas tayo na nagsasaad na ang EDUCATION ay ISANG BASIC HUMAN RIGHTS na dapat ay natatamasa ng lahat na walang anumang diskriminasyon.

Ika nga, sa isinasaad ng ARTICLE 26 ng UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS.., ipinahahayag na ang lahat ay mayroong karapatan sa edukasyon at pag-aaral, na ito ang dapat ding maging panuntunan ni CHED CHAIRMAN DE VERA III at hindi ang pagde-diskrimina sa oagitan ng bakunado at hindi bakunado

Hinggil sa isyu ng VACCINATION laban sa COVID-19 ay ipinunto rin ni PAO FORENSIC CHIEF DR. ERWIN ERFE na ang pagpapabakuna ay hindi garantiya na hindi na magkaka-covid.., dahil maraming mga fully vaccinated at boostered pa ay mga nagkakasakit pa rin ng COVID.

Bukod diyan.., ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ay hindi itinakda ng batas na sapilitan at ang isinasaad sa SECTION 12 COVID-19 VACCINE CARD ay.., ang mga vaccine cards ay hindi dapat isaalang-alang bilang karagdagang ipag-uutos na pangangailangan para sa edukasyon, trabaho at sa iba pang kahalintulad na transaksiyon at mga layunin.., kaya malinaw na hindi itinakda ng batas na sapilitan.



Punto ng PAO.., dapat ang lahat ng GOVERNMENT AGENCIES ay tumalima sa ipinaiiral ng batas na ang NO VAX NO WORK o NO VAX NO.ENROLL ay UNCONSTITUTIONAL .. kaya huwag ipaiiral ang DISCRIMINATOiON lalo na ngayong magpapasukan na sa eskuwela ang.mga COLLEGE STUDENT!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.