Advertisers

Advertisers

CAAP pinaigting ang paghahanda pag-landfall ni ‘Florida’

0 285

Advertisers

Pinaigting ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kanilang paghahanda sa bagyong “Florita” bago ang pag-landfall nito sa susunod na 36 oras nang maglabas ang PAGASA ng tropical cyclone bulletin no.4 nitong Lunes ng madaling araw.

Sinabi ng CAAP na upang mapaghandaan ang paparating na sama ng panahon, inatasan ni CAAP Director General Capt. Manuel Antonio “Skee” Tamayo ang lahat ng mga Area Manager sa mga paliparan ng Rehiyon 1 (Baguio, Laoag, Vigan, Lingayen & Pangasinan) at mga paliparan ng Rehiyon 2 (Bagabag, Palanan, Cauayan, Basco at Itbayat) para paghandaan ang kanilang mga plano sa pagtugon sa bagyo.

Idinagdag nito na lahat ng CAAP airport managers ay mahigpit na binabantayan at nagsasagawa ng inspeksyon sa kani-kanilang mga paliparan. (JERRY S. TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">