Advertisers
DALAWANG babae at dalawang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng isang kotse na nakaparada sa Sitio Balagbag, Barangay Sam Isidro, Montalban, Rizal nitong Lunes.
Ayon sa ulat, 5:00 ng umaga nang nadiskubre ng ilang residente ang kotse na may plakang NGU-1923 na nakaparada sa lugar at may mga duguang bangkay sa loob nito.
Ayon kay Police Lt. Colonel Marcelino Pipo Jr., iniimbestigahan pa ng kanilang mga tauhan kung baril o matalas na bagay ang ginamit sa brutal na pagpatay sa apat at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga ito.(Edwin Moreno)