Advertisers

Advertisers

Kung hindi pa nagwala si PBBM…

0 292

Advertisers

HUWAG munang magparti-parti at maging kampanti ang kasalukuyang mga batugan at tulisan na barangay at SK officials na kontra matuloy ang halalan sa Disyembre 2022.

Ang nangyaring botohan, 12-2, pabor sa postponement, ng House Suffrage and Electoral Reforms Committee kamakailan ay priliminary stage pa lamang yun ng pagtalakay para sa naturang halalan.

Oo! Pagdedebatehan pa ng mga kongresista at senador kung tuloy o postpone ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda ng Dec. 5 ng taon.



Kung ang rason ng 12 miembro ng naturamg komite na gustong ipagpaliban ang BSKE 2022 ay upang makatipid sa pondo at magamit muna ito sa pandemic response, ito’y pilipit na katuwiran.

Sabi ni Comelec chairman George Garcia, kapag na postpone ang 2022 BSKE at gagawin ito sa year 2023 o 2024, kakailanganin nila ng karagdagang at least P5 billion dahil kailangan uli nilang magsagawa ng voters registration, mag-procure ng election paraphernalias, honoraria ng mga titser, etc…

Ang pondo para sa BSKE 2022 ay P8.4 billion. Ito ay nabawasan na sa ginawang voters registration kamakailan kungsaan mahigit 5 million ang mga bagong nagpatalang botante.

Kapag na-postpone ang BSKE, ito’y pangatlong beses na at overstaying na ang mga kasalukuyang opisyal. Marami na nga ang inutil at ulyanin sa tagal na nila sa puwesto. Yung mga SK naging tatay na!

Huling nangyari ang BSKE year 2018, panahon ni Rodrigo Duterte. Kungsaan dalawang beses na-postpone (2016 at 2017). Ang palusot ni Duterte noon lilinisin nya muna ang droga sa mga barangay. Pero natapos lang ang termino nya na bumabaha parin ng droga sa Pilipinas.



Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, pinsan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, gusto niyang ipagpaliban uli ang BSKE 2022 para magamit ang pondo nito sa pandemic response. Isa itong kalokohan! Hindi tayo kumbinsido sa rason niyang ito. Bakit? Aba’y bilyon-bilyon ang pondo para sa pandemya, ninanakaw nga lang ng mga opisyal. Tapos itong budget para sa BSKE ang gagalawin. Fuck!

Para ano pa’t may batas na every 3 years ang termino ng barangay at SK officials kung reretokehin lang nila ito everytime na malapit na ang petsa ng halalan, sasabihin lang na kailangan muna gamitin ang pondo sa ibang bagay. Malaking kagagohan ito, Speaker!

Pero para sa mga Senador, gusto nila matuloy na ang eleksyon. Dapat! Dahil nagwawala na ang mga mamamayan sa katamaran ng kanilang opisyales sa barangay!

Ang dalawang kapulungan, House at Senate, kasama ang Comelec ay nakatakdang mag-usap ukol sa BSKE.

***

Kaliwa’t kanan ang pangre-raid ngayon ng mga taga-Bureau of Customs sa mga warehouse ng mga smuggler ng agricultural products partikular asukal.

Pati mga barko na kinargahan ng asukal ay in-impound!

Kung hindi pa nagwala si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ay hindi pa nabunyag na halos smuggled ang mga imported sugar na pumapasok sa Pilipinas.

Actually, alam lahat ng taga-Customs ang smuggled products, nagbubulag-bulagan lang sila dahil may “timbre” ito sa kanila. Oo!

Naniniwala ako na ningas kogon lang itong panghuhuli nila ngayon dahil mainit pa si PBBM. Bantayan!