Advertisers

Advertisers

Customs ang salarin sa pagbaha ng ‘ukay-ukay’ sa merkado

0 243

Advertisers

LUGI pala ang gobyerno dito sa mga nagkalat na imported “ukay-ukay” sa merkado sa buong bansa.

Oo! Wala kasing tax ang items na ito. Dahil pinalalabas ng mga nagpaparating nitong ukay-ukay (used clothes) na donasyon para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa charity activities ng ahensiya. Pero ang totoo ay ibinibenta ito sa merkado.

Tama si Senador Raffy Tulfo. Kahit saang public market ka pumunta maging sa mga probinsiya ng Pilipinas ay makakakita ka ng puwesto ng ukay-ukay.



Huwag na tayong lumayo, pumunta ka ng Divisoria sa Maynila at Baclaran sa Pasay, makikita mo sa bangketa ang mga puwesto ng ukay-ukay. Mismo!

Actually, ipinagbabawal ang mag-import at magtinda ng ukay-ukay base sa Republic Act No. 4653, an Act to safeguard the health of the people and maintain the dignity of the nation by declaring it a national policy to prohibit the commercial importation of textile articles commonly known as used clothing and rags.

Pero bakit nakalulusot ito sa Bureau of Customs? Simple lang ang sagot: Lagay!

Again, tama rin si Sen. Tulfo na kung hindi kayang pigilan ng mga awtoridad ang pagpasok ng mga ukay-ukay sa bansa, buwisan nalang ito at maglagay ng restrictions tulad ng bago ito ilabas sa merkado ay dapat naka-disinfect!

Pero hangga’t hindi pa naaayos ang batas ukol dito ay kumpiskahin muna lahat ng ukay-ukay sa merkado dahil baka yan ang nagdadala ng virus o anumang deadly bacteria sa ating bansa. Mismo!



***
SEX PALIT TOBATS
Isang concerned ang nag-text sa akin. Sa kanilang barangay 558 sa Sampaloc, Manila ay mayroon daw isang bahay kungsaan nangyayari ang sex palit shabu.

Aniya, kung sino-sinong tao ang labas-pasok sa bahay na ito sa gabi. Matatagpuan ito sa may Cebu Street, No. 103… Alam daw ito ng barangay officials pero dedma lang sila. Totoo ba ito Chairman Rosendo?

Sa araw, may mga nagbebenta raw ng droga at sa gabi ay “pokpokan” ang naturang bahay.

Nai-report narin daw ito sa pulisya pero dedma lang din ang mga parak sa lugar. Hmmm…

Paano ba ito, General Dizon, Sir?! Kailangan rin yata na palitan ang buong puwersa ng PCP na nakakasakop dyan sa Bgy 558…

Abangan!

***

Talamak na pala ang oil smuggling sa bansa. Na kung tawagin ng mga iligalista ay “paihi”.

Nangyayari raw ang transaksyon sa laot. Nagbebenta ng langis ang mga naka-anchore na bulk carrier sa mga iligalistang negosyante. Ang kawawa rito ay ang shipping company, ninanakawan sila ng mga seaman nila. At lugi naman ang gobyerno natin dahil hindi nagbabayad ng tax itong mga nagpapa-ihi. Economic sabotage ito!

Nangyayari ito sa mga pier sa Batangas at Bataan.

Kaya siguro mura ang langis sa mga ‘di masyadong kilalang gasoline stations sa kahabaan ng national highway mula Bataan hanggang Pampanga dahil galing sa paihi ang itinitinda ng mga ito.

Department of Energy Secretary Raphael Lotilla, gising!