Advertisers

Advertisers

WALANG DAPAT IPANGAMBA SA MGA DAM – NIA

0 2,908

Advertisers

Sa naganap na magnitude 7 lindol nitong nakaraang July 27, 2022 ay walang dapat ipangamba sa mga imbakan ng tubig- dahil ang 2 malalaking dam na nasa NUEVA ECIJA at ISABELA ay matibay pa rin at hindi kinakitaan ng anumang sira na mapapakinabangan pa ang mga ito ng mahigit sa 50-taon ayon sa naging pagsusuri ng NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION (NIA).

Ang naitalagang bagong NIA ADMINISTRATOR na si HONORABLE BENNY ANTIPORDA ay napasabak agad sa kaniyang propesyon na matapos ang saglit na press conference nito sa NIA CONVENTION HALL ay nagsagawa na ito ng pagsisiyasat sa mga lugar-patubigan partikular sa NORTH LUZON.

Sa press conference ay kasama ni ANTIPORDA SI DEPUTY ADMINISTRATOR FOR ENGINEERING AND OPERATIONS SECTOR C’ZAR M. SULAIK na humarap sa mga MEDIA at inihayag na ang nagdaang lindol ay hindi nagdulot ng major damages sa mga dam at iba pang mga patubigan.



Sa naging pagsusuri ng NIA EXPERTS, ang 48-year old PANTABANGAN DAM sa PANTABANGAN, NUEVA ECIJA at ang 39- year old na MAGAT DAM sa RAMON, ISABELA ay hindi naapektuhan ng nakaraang lindol na ang nasentruhan ng pagyanig ng lupa ay sa TAYUM, ABRA.

“Wala pong damage ang ating dams. The Agency only wants to ensure the safety of the public, especially the communities located on downstream areas,” pahayag ni ANTIPORDA kasunod ang pagtityak na ang publiko ay walang dapat na ipag-alala dahil laging may precautionary measures ang kanilang ahensiya para sa mga patubigan.

Hindi man naapektuhan ng lindol ang nabanggit na 2 dam ay may ilang COMMUNAL IRRIGATION PROJECTS ng NIA ang nagkaroon ng pagkasira.., na base sa PAUNANG assessment ng nasabing ahensiya ay may kabuuang 27 IRRIGATION PROJECTS na sumasakop sa 3,167.50 ektarya ng agricultural lands ang nasira na tinatayang P253.38 milyon ang halaga ng napinsala.., na 26 sa mga ito ay nasa CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION (CAR) at ang Isa ay sa ILOCOS REGION dahil matapos ang press conference ay agad na tinungo ng team ni ANTIPORDA ang BANAOANG PUMP IRRIGATION SYSTEM na nasa BANTAY, ILOCOS SUR.

Bunsod nito ay tiniyak ng NIA OFFICIALS na magtutuloy-tiloy ang IRRIGATION SERVICES sa ating mga magsasaka bilang pagtugon sa FOOD SECURITY PROGRAM na isinusulong ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.

***



INISYATIBA NG ANNIFA SA ANGONO DAPAT TULARAN!

Sa mahal ng mga bilihin at bahagi sa inilulunsad na FOOD SECURITY sa administration ngayon ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR ay dapat pamarisan ng iba’t ibang SAMAHANG MAGKAKAPITBAHAY ang naging inisyatiba ng ANGONO NEW NORMAL FARMERS ASSOCIATION (ANNIFA) na kahit sa mga subdibisyong may tiwangwang na mga lote ay pansamantalang mapagtamnan para sa kapakinabangan ng pangkalahatan

Nitong nagdaang Miyerkules (August 3) ay isa ang ARYA sa mga MEDIA na naimbita at sumaksi sa naging ANNIFA 2nd YEAR ANNIVERSARY na ginanap sa GATE 2 HILLSIDE SUBDIBISION sa BOTONG FRANCISCO AVENUE, ANGONO, RIZAL.., na ang mga bumubuo ng ANNIFA ay lubhang naapektuhan ng COVID PANDEMIC na nawalan ng pangkabuhayan ay napakiusaoan at napapayag ang nagmamay-ari ng subdibisyong na kanilang magamit at mapagtamnan habang wala pang gagamit sa mga bakanteng lote…, presto, nakapag-aani na sila ng iba’t ibang mga gulay.

Sa naging pagsisigasig ng ANNIFA ay napahanga nila at inaasiste na sila ng ANGONO MUNICIPAL GOVERNMENT sa pangunguna ni MAYOR JERI MAE CALDERON.., na hinihimok ngayon ang mga taga-ANGONO na habang may mga bakanteng lote ay pansamantalang gamitin sa pagtatanim ng mga gulay na mapapakinabangan ng oamipamilya at maaari pang maipagbili kung marami ang kanilang mga maaani.

Sa isinagawang anibersaryo ng ANNIFA ay naging panauhin din ang mga nagsisuporta sa inisyatiba ng grupo na sina DOST PROVINCIAL DIRECTOR FERNANDO ABLAZA at SI ANGONO MUNICIPAL AGRICULTURE OIC DR. JOEL TUPIANO., siyempre pa, sa pagiging abala sa iba pang gampanin si MAYORA CALDERON ay dumalo at kinatawan naman siya nina ANGONO MUNICIPAL COUNCILOR ELENA IBANEZA at ARVIN VILLAMAYOR…, gayundin, naging daan sa tagumpay ng ANNIFA ay ang sinserong pag-asiste sa kanila ng VLOGGER na si HORIZON CHASER NARISA PISCOS.

Ang ARYA ay bumabati at sana matularan sa buong bansa ang naging inisyatiba ng ANNIFA para maging kapakinabangan ang mga bakanteng lote na maging source ng mga gulayan kahit pansamantala…, kaya, CONGRATULATIONS sa bumubuo ng ANNIFA na sila ay sina President RICARDO MELENDRES; Assistant President DANILO TURTOGO; Vice-President EDGAR CASIMIRO;
Secretary ..SHELLANE FADRIQUELA;
Treasurer LORETA MAGADIA;
Auditor JULIUS BATO at mga BOARD MEMBER na sina ANTONIO GENOVA,
CESARIO FORMENTERA, LODIGARIO ROCHA, JOSEFINA BOTON, ARLINDA G DELA CRUZ, RAQUEL BASLOTE,
LEONIDISA FORMENTERA.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.