Advertisers

Advertisers

Lalaki tumalon mula sa 30 talampakan sa NAIA

0 318

Advertisers

MILAGRONG nakaligtas sa ‘karit ni kamatayan’ ang isang 26 anyos na lalaki nang tangkaing magpakamatay sa pamamagitan nang pagtalon nito mula sa dulong bahagi ng departure area na may 30 talampakan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay.

Agad na isinugod ng MIAA Medical team sa pinakamalapit na pagamutan ang biktimang nakilala na si Michael Laureno, isang helper ng Haiasi Company at naninirahan sa Sto. Tomas, Batangas. Nagtamo ang biktima ng matinding pinsala sa ulo at bibig na halos maubos ang mga ngipin.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang insidente, naganap 12:36 ng hapon, ‘di kalayuan sa Sweet Ideas resto at OWWA lounge na nasa loob ng departure area.



Ayon sa ilang well wishers na naghahatid ng kanilang mga pasahero, nakita nila ang biktima na hindi mapakali sa isang sulok at ilang sandali bigla na lang itong sumampa sa gilid ng semento at saka tumalon.

Isang malakas na kalabog ang narinig ng isang security guard na nakatalaga sa AGMSES bldg. kung saan, nakita nitong duguang nakahandusay sa gang chair ang katawan ng biktima. Patuloy pa ring

inoobserbahan ng mga doktor ang kalagayan nito.(Jojo Sadiwa)