Advertisers

Advertisers

HAMON KAY CALOOCAN MAYOR ‘ALONG’ MALAPITAN!

0 489

Advertisers

BASTA’T marubdob, tapat at maayos na pamamahala ang pag- uusapan, ang mga Malapitan ay kilalang-kilala sa Lungsod ng Caloocan.

Dahil sa magaling na pamamahala ng mga Malapitan, ang Caloocan City ngayon ay isa sa maituturing na progresibong siyudad, hindi lamang sa Metro- Manila kundi sa buong bansa, kahanay ang Makati, Manila, Quezon City, Cebu at Davao city.

Ang tinatamasang kaunlaran ngayon ng Lungsod ng Caloocan ay dahil sa maayos at magaling na pamamahala ni ngayo’y 1st District Congressman Oca Malapitan.



Si Cong. Oca ay naging vice mayor ng siyam na taon, naging kongresista din ng siyam na taon at naging mayor noong 2013 na natapos nitong nakaraang May 9, 2013.

Siya ngayon ay pinalitan ng anak at naging bagong Caloocan City Mayor Dale Gonzalo ‘Along’ Malapitan, samantalang si Mayor Oca ay nagbabalik sa Unang Distrito ng siyudad matapos manalo noong May 9, 2022 election bilang congressman.

Malayo na ang narating ng Caloocan City dahil sa maayos na pamamahala ni Cong Oca noong siya’y alkalde.

Sa kanyang paglisan bilang Caloocan City Mayor, iniwan nya ang lungsod sa anak, na si Mayor Along Malapitan, kasabay ng tagubilin na ipagpatuloy ang maayos niyang pamamahala para lalo pang umunlad ang Caloocan at mapabuti ang kalagayan ng mga residenteng kababayan.

Tulad ni Mayor Oca, walang dudang magagampanan ni Mayor Along ang kanyang trabaho at responsibilidad bilang AMA ng lungsod dahil, tulad ng kanyang ama, si Mayor Along ay performing public servant na napatunayan nito nang siya ay kongresista pa.



Si Mayor Oca ay kilalang action man, mabilis tumugon sa mga sumbong at reklamo na idinudulog sa kanya ng taumbayan.

Iparating mo lang sa kanya’y aksyon agad si Mayor Oca. Sa nakalipas na ilang araw, paksa ng usapan sa Caloocan City at ang pagkapaglatag ng mga saklaan sa Ist, 2nd at 3rd district ng Caloocan ng isang nangangalang Lucy.

Pinakatalamak ng naturang sugalan ay sa mga squatters’ colonies tulad ng Dagat-Dagatan at Bagong Barrio.

Si Lucy ay beteranang operator ng sakla at drug pusher na ilang dekada nang nag-operate sa lungsod .
Katunayan, kung tawagin pa ito ito ay “Sakla at Drug Queen” dahil sa pagiging notorious nito sa pamumuhunan at pag ooperate ng saklaan at bentahan ng droga sa Caloocan at mga kanugnog na kalunsuran.

Gamit ang isang Marlyn na tagapamudmod ng protection money sa nais manggulo ng kanilang operasyon tulad ng ilang opisyales at miyembro ng Caloocan City Police, National Capitol Region Police Office (NCRPO), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcing arms ng pamahalaan ay walang hadlang na napatakbong muli nina Lucy ang sakla at drug operation sa Caloocan City simula pa noong July 15, o halos mag-iisang buwan na ngayon.

Kaya ang hiling at hamon ngayong ng mga taga Caloocan City kay Mayor Along ay utusan si Police Chief, Col Samuel Mina Jr., na hulihin sina Lucy, Marilyn at isang alias Oyie na nagbigay ng go signal kay Lucy para makapagpatakbo ng sakla at iba pang iligal na pasugal sa lungsod, pati na ang pagtutulak ng droga.

Kung patuloy kasi na mag ooperate ang sugalan at sakla ni Lucy ay di rin masusupil ang bentahan ng shabu sa lungsod, tiyak na hindi maisasakatuparan ang mga magagandang plano ni Mayor Along, lalo na sa mga programa ng kanyang liderato na may kinalaman sa peace and order.

Dapat ring malaman ni Mayor Along na ang sugal, lalo ang sakla ay katambal ng problema sa droga at iba pang uri ng kriminalidad.

Sa panig naman ni Col. Mina dapat itong tumulong kay Mayor Along na lansagin ang operasyon ni Lucy at patunayan kay new PNP Chief, Rodolfo Azurin Jr., na sumusporta ito sa polisiyang Internal Cleansing sa kapulisan.

Kung di aaksyon si Col. Mina laban kay Lucy ay posibleng mapagdududahan itong protektor at sagwil pa sa kampanya ni PNP Chief Azurin sa paglilinis ng PNP hierarchy laban sa ilang korap, walang kakayahan at di karapat-dapat sa tungkuling opisyales at kagawad ng kapulisan.

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.