Advertisers
PINAG-UUSAPAN ngayon sa ‘intelligence community’ ang ginagawang ‘black propaganda’ ng grupo ng isang alyas Prudente laban kay Executive Secretary Vic Rodriguez kaya hindi matigil-tigil ang ginagawang paninira ngayon sa ‘Little President’ ng bansa.
Ayon sa source, ang grupo ni Prudente ang isa sa itinuturing na ‘power broker’ ngayon sa Palasyo ng Malakanyang.
Nabatid na noong nakalipas na eleksiyon, isa si Prudente sa masipag mag-solicit ng multi-million peso para sa kandidatura noon ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.
Ipinagyayabang ni Prudente na nakarekta siya kay PBBM kaya lahat ng mga negosyanteng gustong tumulong sa UniTeam ay dapat sa kanya ipadaan.
Isa sa hiningan nito ng pera ay isang negosyanteng Chinese sa lalawigan ng Cavite na hiningan ng P150 million.
Pinangakuan umano niya ito ng malaking projects sakaling maupo na sa Malakanyang si PBBM.
Pilit inaalam ngayon ng ‘intel community’ kung ang perang ito ay bahagi ng ilang ‘nakubra’ ni Prudente noong nagdaang kampanya.
Nabatid na karamihan sa mga inuupong puwesto sa pamahalaan ngayon ni Prudente ay mga ‘juicy positions,’ katulad ng nasa Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at kahit Land Transportation Office.
Karamihan sa mga kakutsaba nito ay kilalang naging opisyal ng pamahalaan, ngunit nagkaroon ng kaso.
Sinabi ng source na marami sa mga ipinapasok sa gobyerno sa Prudente ay ‘binaril’ na ng sikat na vlogger na si Thinking Pinoy dahil sa mga ‘fictitious character’ ng mga ito.
Si Thinking Pinoy na RJ Nieto ang tunay na pangalan, ay miyembro ng ‘screening committee’ ng BBM Headquarters.
Dahil sa napapahiya na ngayon sa mga ‘kinotongang’ negosyante, naglunsad si Prudente ng malawakang ‘disinformation campaign’ laban kay ES Vic.
Ang pangalan ni Prudente ay maugong sa intel community dahil sangkot din umano ito sa sindikato ng ipinagbabawal na gamot.
Noong nag-aaral na ako, sikat ang pangalang Prudente dahil ang PUP president namin noon ay si Dr. Nemesio Prudente. May nabalitaan din tayong isang Noel Prudente ang sinibak naman ng Pangulong Rodrigo Duterte noon sa BOC dahil sa isyu ng anomalya.
Sana hindi ang tinutukoy nating alyas Prudente ngayon ay hindi kamag-anak ni Dr. Nemesio at hindi naman tayo nakasisiguro kung iisang tao ba ang minamanmanang Prudente ngayon at ang sinibak na Noel Prudente noon sa BOC.
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036