Advertisers

Advertisers

PH’s ‘Doberman’ Apolinario bagong IBO flyweight king

0 191

Advertisers

TINULDUKAN ng unbeaten Filipino boxer Dave Apolinario ang tagtuyot ng bansa sa titulo sa boxing nitong Sabado.

Ang Sanman-promoted fighter ay pinatumba ang 3-division dating word champion Gideon Buthelezi sa first-round knockout upang masikwat ang IBO world flyweight crown sa East London,South Africa.

Apolinario, may nicknamed na “ Doberman” ay ginulpi si Buthelezi sa pamamagitan ng left-straight-right hook combo, upang lumuhod ang South African sa canvas.



Sinubukan ni Buthelezi na tumayo pero hindi inabot ang 10 count na bilang ng referee, na nagresulta sa stoppage win para sa Filipino.

Napaganda ni Apolinario ang kanyang rekord sa 17-0, na may 12 knockouts.



Ang IBO strap ni Apolinario ay kauna-unahang world boxing title ng Pilipinas simula matalo si Mark Magsayo kay Rey Vargas ng Mexico.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">