Advertisers
SI Health Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire ang itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang Officer-In-Charge (OIC) ng Department of Health (DoH) nitong Huwebes.
Kaugnay nito, nagpaabot ang DoH ng labis na pasasalamat kay PBBM dahil sa pagkakatalaga ni Vergeire bilang OIC ng departamento.
“The Department of Health (DOH) thanks President Ferdinand R. Marcos, Jr. for the designation of Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire as its Officer-in-Charge,” pahayag ng DoH.
“DoH appreciates the President’s confidence in one of its career executives, including the immense responsibility such trust brings,” ayon pa sa DoH.
Tiniyak din ng DoH na lahat ng miyembro ng DoH family ay magtutulungan upang maipagpatuloy ang pinasimulan ng mga nakalipas na administrasyon.
“We look forward to continuing our recovery from the pandemic, and working towards universal health care for all Filipinos,” sabi pa nito.
Si Vergeire ang kasalukuyang Undersecretary for the Public Health Services Team at Office of the Chief of Staff. (Andi Garcia/Vanz Fernandez)