Advertisers

Advertisers

St. Clare minasaker ang AMA Online

0 238

Advertisers

MINASAKER ng Adalem Construction – St-Claire ang AMA Online 84-50,Huwebes ng umaga sa Araneta Colesium.

Natimbog ng St. Claire ang kanilang ikalawang dikit na tagumpay sa 2022 PBA D-League Aspirants Cup mula sa 15 points kaloob ni Ahron Estacio, Habang si Edcel Rojas nag-ambag ng 13 points at eight rebounds, Bam Lopez bumakas ng 10 points,five rebounds, at five assists para sa Saints na umangat sa 2-1 win-loss card.

“‘Yung goal namin dito every game is kailangan hindi lang lima kung ‘di 10 ‘yung handa na maglaro sa amin. Hanggang dulo ginagamit namin so kailangan silang mag-perform not only sa offense but defense,” Wika ni coach Jinino Manansala.



Randolf Cruz ang tanging AMA player na umiskor ng double-digits na 11 points.

Ang Iskor:
Adalem-St. Clare 84 — Estacio 15, Rojas 13, Lopez 10, Manacho 9, Ndong 8, Sumagaysay 8, Sablan 5, Tapenio 4, Acosta 4, Victoriano 2, Gamboa 2, Decano 2, Balacaoc 2.
AMA 50 — R. Cruz 11, Villamor 8, Yambao 7, Palana 7, Ceniza 6, Romero 5, D. Cruz 4, Alina 2, Kapunan 0, Temporasa 0, Fuentes 0, K. Cruz 0.