Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MALAKING pasasalamat para sa side ni Rabiya Mateo na mapasama siya sa bagong daily game show ng GMA 7, ang ‘TiktoClock’ hosted by Kuya Kim Atienza at Pokwang na mapapanood na bago mag-’Eat Bulaga’.
Bukod kasi sa first time niyang sumabak bilang isang game show host ay nakatagpo si Rabiya nang isang team na kinokonsidera na niyang pamilya.
Si Kuya Kim ay tinuring na niyang isang kapatid at mother love naman ang bigay ni Rabiya kay Pokwang.
“Kasi ako po, mag-isa lang ako dito sa Manila, independent. Walang family, wala si mama. So parang nakita ko po iyong pamilya ko sa show na ito,” say ni Rabiya.
‘Busog na busog’ din si Rabiya sa mga pangaral mula sa kanyang co-hosts lalo na sa mga payo bilang isang baguhan sa showbiz world.
“You may have the fame now, all the attention, pero isang pagkakamali mo lang, pwede mawala iyan lahat. Ayun iyong sinasabi ni Kuya Kim.
“You need to be careful with your actions kasi hindi mo minsan alam kung ano iyong mangyayari in the future. Dapat i-enjoy mo what you have and always be grateful for you to last here in this industry. Yan naman sabi ni Mama Pokwang,” dagdag pang say ni Rabiya.
***
ANO ba meron sa aura ng sexy bombshell ng Vivamax na si Ayana Misola, na halos karamihan sa mga nagawa niyang pelikula ay pawang may sayad lagi ang kanyang role?
Yun bang ang character niya ay may nakabibighaning mukha at katawan pero may kulo naman sa loob. Mula sa first movie niyang “Kinsenas, Katapusan” hanggang sa latest movie niyang “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili” na magsisimula nang mapanood sa Vivamax this July 15. Sa nabanggit na huling movie, tatlong lalake lang naman ang kanyang kalampungan, as in todong hot love scenes ang ginawa ni Ayanna.
Grabe ang pasilip ni Ayanna sa mga maiinit niyang eksena sa pelikulang “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili”. Bigay todo siya sa mga lampungan scene. Ang mga ito ay sina Diego Loyzaga, Adrian Alandy at Mon Confiado. Si Diego bilang si Lawrence na isang photographer na makikilala ni Albina sa isang party.
Si Adrian naman na gaganap bilang si Wendell ang kanyang ex-boyfriend na obsessed pa rin kay Albina, samantalang si Mon ay isang mayaman at bigating negosyante na may kakayanan bigyan si Ayanna ng big break bilang isang modelo.
Ano kaya ang meron sa aura ni Ayanna at fit na fit sa kanya ang role na bait-baitan ang mukha pero may ‘something dark’ naman sa loob?
“Baka po close to real life. Hahaha! Ewan ko po. Baka po siguro dahil sa eyes ko. Pag tumingin parang psychopath. Haha!,” pabirong say ni Ayanna.
May kaba ring nararamdaman si Ayana sa pagbibida niya sa remake ng Dina Bonnevie starrer movie noon na “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili”.
“Parang naging harsh ako sa sarili ko sa project na ito. Ayokong aalis ako ng taping na hindi ko binigay lahat kasi alam kong mako-compare nga ako sa dati. Pero sana, ma-appreciate nila ’yong atake ko,” dagdag na say ni Ayana.