Advertisers
AABOT sa 2 million beneficiaries ng conditional cash transfer program ng gobyerno ang matatanggal sa listahan, sabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo.
Sa panayam sa kanya ng CNN Philippines, ibinunyag ni Tulfo ang kalagayan ng kanilang paglilinis sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, kungsaan sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tanging mahihirap na mga Filipino lamang ang maaring makatanggap ng cash grant mula sa gobyerno.
“So far basing on the records submitted to me by our division, the National Household Targeting System, we have identified 1.3 million families or households na nakalagay na sa non-poor section,” sabi ni Tulfo.
Ipinaliwanag niya na yung “graduates” na sa programa ay may kakayahan nang suportahan ang kanilang mga sarili o ang kanilang mga anak na nagsipagtapos na sa pag-aaral.
Sinabi pa ni Tulfo may tinitingnan pa silang nasa 600,000 mahigit na beneficiaries na aalisin sa listahan dahil sa ilang issues.
“We are still working on another 600 thousand pa so baka umabot ito ng 2 million na we have to delist kasi nga ang ibang problema, hindi na namin makita kung saan sila, ‘yung iba ayaw kaming pagbuksan. We have identified ourselves na taga-DSWD kami, 4Ps program, sasarhan kami ng pinto, or wala na sila dyan,” sabi ni Tulfo.
“This is conditional cash transfer. Ibig sabihin may mga kondisyones siya. Isa sa kondisyon, you have to inform the DSWD kung lilipat ka from one barangay going to another barangay,” dagdag niya. “Nandoon rin sa kondisyon, if we come to your house and ask you questions for an update, kailangan papasukin mo kami, sagutin mo kami.”
Aniya pa: “Failure to do so will really result na you will be delisted from our list of 4Ps beneficiaries.”
Sinabi ni Tulfo na isusumite nila ang updated list sa Malacañang sa madaling panahon.
Ayon sa DSWD, nitong unang quarter ng taon ay nasa 4.2 million households ang active members ng programa.