Advertisers
KUNG sinasabi ng marami na si Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) ay kahalintulad ng kanyang namayapa ng amang si Ferdinand Marcos Ganun na rin halos ang ating masasabi sa anak ni PBBM na si Ferdinand Alexander Araneta Marcos III, tanyag sa tawag na Sandro Marcos, na siya namang bagong congressman ng 1st district ng Ilocos Norte.
Like father like son, ika nga. Dahil kung ang pagbabasehan ay ang kanilang pananaw at pagmamahal sa bayan, sila ay iisa lamang. Ipaglalaban ang Pilipinas sa sinoman magtangkang yurakan ito.
Gaya na lamang ng matagal na nating iniinda na pamemeste ng mga komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Silang tatlo Mula sa Lolo hanggang sa apo, ay talagang ayaw sa grupong ito, na nagsadlak at sinasamantala ang kahirapan sa bansa.
Sa panahon pa lamang ng dating Pangulong Marcos ay kinakitaan na natin siya ng tapang at kung paano niya labanan ang mga komunistang-terorista na umuusbong pa lamang noon sa kanyang paninilbihan bilang Pangulo ng bansa.
At kahit ngayong panahon naman ng kanyang anak na si PBBM, ay kinakitaan din natin ng pagkadismaya sa pesteng CPP-NPA-NDF at nangako ring lilipunin niya ang mga ito at itutuloy ang diskarte ni Pangulong Duterte para mangyari ito.
At para kay Sandro, bilang bagong mambabatas pa lamang, ay kinakitaan na rin natin siya ng ganitong pagmamalasakit sa bayan.
Kay Sandro, di kinakailangang makipag-usap pa sa mapanglinlang na komunistang-terorista.
Gagawa raw siya ng batas upang makapagpatuloy ang itinatag ni Pangulong Duterte na National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC). Dahil nakita niya itong magandang solusyon para wakasan na ang paghari-harian ng CPP-NPA-NDF.
Isusulong pa nga raw ng bagong mambabatas na maibalik o itaas pa ang budget ng task force para maituloy ang Barangay Development Program ng NTF-ELCAC, na nakita nilang mag-ama na mahusay na paraan upang ang ating mga kababayan sa mga kanayunan na di tangkilikin ang mapanglokong mga pangako ng mga komunistang-terorista.
Di like father like son, talaga.