Advertisers

Advertisers

Nadine babawi sa natigil na career; Barbie bihasa na sa pag-ibig

0 340

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

SUMAILALIM sa lie detector test si Barbie Forteza nang tanungin ni Bea Alonzo sa kanyang showbiz career, love life at iba pang personal na bagay.
Na-curious si Bea kung sino yung actor na kinainisan ni Barbie na nakatrabaho nito sa huling show na Mano Po Family Fortune.
Finally, inamin ni Barbie na nagkaroon sila ng relasyon ni KIko Estrada na nakasama niya sa That‘s My Amboy. Pero hindi rin nagtagal ang kanilang pagmamahalan at hindi naging maganda ang kanilang break-up kaya hindi na sila friends hanggang ngayon.
Inamin din ni Barbie na nagka-crush siya kay Andre Paras na nakasama rin niya sa That‘s My Amboy. Kaya lang hindi yun nauwi sa ligawan dahil si Kiko ang nanligaw sa kanya, Naka-isang date lang daw sila at natapos din daw agad ang relasyon.
Pagbubulgar din ni Barbie na pinipili niya ang pagseselosan sa boyfriend na si Jak Roberto, May pinagselosan daw siyang nakatrabaho ng boyfriend pero hindi na niya pinangalanan.
“HIndi ako nagseselos `pagka kunwari yung mga kissing scenes, mga intimate scenes, kasi eksena. Nagseselos ako `pag nagkakayayaan lumabas, outside work.”
Samantala, ang susunod na makakatrabaho ni Barbie ay si Dennis Trillo sa Maria Clara at Ibarra na gaganap siyang makabagong Maria Clara at si Dennis naman ay si Crisostomo Ibarra/Simoun.
Grabe, tatahimik-himik lang si Barbie ay marami na rin pala itong pinagdaanan pagdating sa pag-ibig.
Ang tanong ay si Jak na kaya ang huli niyang mamahalin at makakasama habambuhay?
***
MATUTUWA ang followers at fans ni Nadine Lustre dahil balik paggawa ng pelikula ang actress.
Siya ang bibida sa psychological thriller film na Deleter na ididirek ni Mikhail Red.
Matagal din nanahimik sa showbiz si Nadine mula nang magkaroon siya ng contract problem sa kanyang management (Viva Artist Agency) tapos nakasabay pa sa pandemic.
Kaya naman nang maayos na ang kanyang problema ay kaagad na bumawi, bukod sa Deleter ay bibida rin si Nadine sa isa ring suspense thriller na Greed.
Sinabi ni Nadine na eversince ay gusto raw niya talagang gumawa ng mga challenging movies.
“I`ve been so vocal about you know, wanting to have projects that are really out of the box, something that`s different from the stuff that I`ve done before. Coz everyone knows naman that I`ve done a lot of rom-com-drama films before.
“So now, I wanna switch it up and do roles and projects that are little bit more challenging and something that`s new, something that`s very different from what I`m used to doing.
“So, yeah. I`m super excited to do Deleter kasi this time around, I get to work on a horror film,” say ni Nadine.
“Ang nilu-look forward ko na eksena, yung habulan. Yun lang po ang sasabihin ko. Excited na po akong habulin,” natatawang dagdag pa niya.
***
Offer ng TV5 ang tinanggap ni Aga
Sa dami ng offer kay Aga Muhlach para sa serye ay mas pinili at tinanggap nito ang alok ng TV5. Kaya marami ang nagulat at nagtaka kung bakit ang nasabing network ang kanyang pinili.
Nang makipag-meeting ang staff ng serye ay ipinakita kay Aga ang storyline at nagustuhan ito ng actor.
Matatandaan sa isang interview noon kay Aga ay nasabi nito na madalang na lang siya gagawa ng movie or serye. Pero kapag maganda ang istorya ay hindi niya puwedeng palampasin.
Bukod sa maganda ang istorya ay malaki rin ang tiwala ni Aga sa magiging director ng gagawing serye. Si Antoniette Jadaone ang magdidirek ng serye niya sa TV5.
Nasunod ang gusto ni Aga na sa Baguio gawin ang kabuuan ng serye. Espesyal kay Aga ang Baguio dahil dito sila ikinasal ni Charlene Gonzales.
Ang maganda pa sa serye ni Aga ay nangako ang TV5 na hindi basta ordinaryong serye ang Suntok sa Buwan dahil mala-pelikula ang magiging scope nito at hindi rin titipirin sa lahat ng aspeto.