Advertisers
ANG pamumuno ni OIC-PNP Director General Vicente D. Danao Jr., ang nakataya kung patuloy na mamamayagpag ang operasyon ng petroleum smuggling at burikian, patulo, paawas at pasingaw ng produktong petrolyo sa CALABARZON area lalo na sa mga lalawigan ng Batangas at Quezon.
Isang hamon sa liderato ni LtGen. Danao Jr., kung paano masusugpo ang petroleum smuggling ring ng “Binondo Group” na ilang buwan na ring nagpupuslit ng imported na krudo, gasoline at gas mula sa mga bansang Russia, Malaysia at China gamit na unloading points ang Batangas City Port at mga kanugnog na pantalan ng mga bayan ng Mabini at Bauan.
Sunod-sunod ang mga indultong bumabalot sa hanay ng mahigit sa 220,000 opisyales at kagawad ng kapulisan na pansamantalang nirerendahan ni Danao Jr., kayat kailangang maggpakitang gilas, patunayan nito na walang kinalaman ang kapulisan sa mga konrabandistang petro smuggler at magbuburiki.
Kung ang mga economic saboteurs na tulad ng “Binondo Group” at buriki syndicate ay di maaaksyunan ng kapulisan, makabubuti pang magbalot-balot na si Gen. Danao Jr., di siya nababagay na maging full-pledge PNP Chief? Baka mapurnada pa tuloy ang pagdadagdag ng isa pang estrelya sa balikat ni LtGen. Danao Jr., wag naman sana?
Ngunit mala-bagyo pala ang lakas ng koneksyon ng “Binondo Group” sa ilang matataas na opisyales ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Port Authority (PPA) Philippine Coastguard, Bureau of Immigration and Deportation (BID) National Bureau of Investigation (NBI) at maging sa Philippine National Police (PNP).
Kinabibilangan ng Intsik na kilalang sa na alias Mario Tan, Dondon, “Atty. Cabral” at Ferdie, na isang ex-PC Sergeant ang “Binondo Group”.
Pagkat nakatunganga ay napapabayaan ang kanilang tungkulin ng nasabing law enforcing agency ng pamahalaan, kaya naman umaalma na ang mga relihiyosong grupo sa mga lalawigan ng Batangas at Quezon at mahigpit na kinondena ng mga ito ang anila ay pananabotahe ng mga naturang iligalista sa ekonomiya ng bansa.
“Lugmok na po sa kahirapan ang ating mga mamamayan dahil sa mahigit sa dalawang taon na pananalasa ng pandaigdigang pandemyang COVID 19, at ngayon ay dinagdagan pa ang pasanin natin ng operasyon ng petro smuggling, paihian at burikian ang pahayag ng isang Catholic lay leader.
Kanya ding kinondena ang di masawatang operasyon ng petro smuggling na halos ay lingguhang nagdidiskarga ng ipinipuslit na petro product na lulan sa ocean-going vessel sa Batangas City Port, Brgy. Sta Clara, Batangas City at mga kanugnog na pier.
Walang laban ang mga ligal at lokal na petroleum dealer sa bansa sa “Binondo Group” pagkat bagsak at halagang nakaw ang presyo ng mga smuggled na petroleum product na ibenebenta nina alias Mario Tan, Dondon, “Atty. Cabral at Ferdie.
Isinasalya ng “Binondo Group” sa kanilang mga suki sa halagang Php40 hanggang Pph 46 kada litro ng diesel at Php 30-Php 35 bawat litro ng gasoline.
Kaya pila balde sa Batangas City Pier ang mga naghahakot na tanker truck ng mga suki ng “Binondo Group” at hindi maikakaila ang pagdating ng barkong may kargamentong daan libong tonelada ng smuggled petroleum product.
Hindi lamang milyon-milyon kundi bilyon-bilyong halaga ang nawawala sa pamahalaan sa ilalim ng new administration ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos sa porma ng buwis, pagkat hindi nagbabayad ng tariff and duties na dapat ay ibinabayad sa importasyon ng naturang petroleum product.
Kaya ang milyones o bilyones na tariff and customs duties na dapat ay nalilikom ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ay napupunta lamang sa bulsa ng iilang port official at iba pang awtoridad na patong sa “Binondo Group”.
Paniwala ng ating mga kababayan ay hindi lamang mga ilang Batangas City Port official ang nakikinabang sa malawakang operasyon ng petro smuggling kundi maging ang mga “nasa itaas” ay nakapayola din sa mga petro smuggler.
Samantala, takot ang naghahari sa mga mamamayan ng Batangas City at bayan ng San Jose, kapwa sa lalawigan ng Batangas, Lucena City at munisipalidad ng Tiaong sa probinsya ng Quezon dahil sa posibleng pagsabog ng mga kuta ng magbuburiki ng petroleum product sa mga nabanggit na siyudad at bayan.
Nag-ooperate ang sindikato ng buriki, paihi, paawas, pasingaw ng petroleum at LPG product sa Brgy. Banay-Banay II, sa bayan ng San Jose, Batangas sa loob ng garahe ng isang trucking firm na inooperate at pagmamay-ari ng isang alias Benjie.
Pinalilitaw ni alias Benjie na nasiraan ang kanyang tanker at capsule truck, at kailangang igarahe at marepair ang aberya nito sa loob mismo ng kanilang garage at doon ay malayang nananakawan ng mga tauhan ni alias Benjie ang kanilang kargamentong petroleum product na nagmumula pa sa mga depot sa mga bayan ng Bauan, Mabini at Batangas City.
May burikian, paihian at pasingawan din sa compound ng ALPS Terminal sa Diversion Road, Batangas City na di naman kalayuan sa headquarter ng Batangas City Police Office.
Pinapapasok sa garage compound ng ilang kakutsabang security guard ang mga tanker at capsule truck ng mga magnanakaw na tsuper na naglululan ng petroleum at liquefied petroleum gas (LPG) at doon ay binabawasan ang kanilang kargamento.
Wala namang kamalay-malay ang management ng ALPS at ang mga kliyente ng petroleum truck haulers sa raket ng mga tsuper at ng ilang mga bantay-salakay na guwardiya.
Sa Quezon Province ay nasa Brgy. Talim, Eco Road, Lucena City ang burikian ni alias Bobby na di rin naman kalayuan sa headquarter ng Lucena City Police Station at Quezon CIDG Provincial Police Office.
Ang isa pang burikian ay nasa Brgy. Lalig sa bayan ng Tiaong at ino-operate naman ng isang alias Bong. Kapag aksidenteng sumabog ang mga naturang burikian maraming mamamayan ang mamamatay at libu-libong aria-arian ang mapipinsala.
Marahil ay di na malilihim kay newly elected Lucena City Mayor, Mark Alcala at Tiaong Mayor, RJ Mea ang mga kabalbalang ito nina alias Bobby at Bong, ngunit bakit di pa kaya ang mga ito umaaksyon?
Nakatunganga din yata ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA pagkat di ng mga ito inaaresto sina alias Bobby at Bong na kapwa kilala ding mga big-time na tulak ng shabu sa lalawigan ng Quezon. Magbuburiki na nagtutulak pa pala ng droga ang mga hijo de puts na ito!
Hindi bago sa atin ang ulat na naghahatag ang mga petro smuggler at magbuburiki sa ilang mga lokal na pulitiko at heneral ng PNP sa Camp Crame, Quezon City, kaya dapat patunayan ni PNP OIC Danao Jr., na mali ang tila apoy na kumakalat na “intelhencia” o suhol ang dahilan kung kayat di umaaksyon maging si PNP Region 4A Director PBG Antonio Yarra.
Take note po LtGen. Danao Jr., liban sa Batangas at Quezon, may mga burikian din sa Mariveles, Bataan, Pampanga, Tarlac at Bulacan, at ang itinuturong utak ay sina alias Goto at Bogs at ang anak ni Goto na si alias Cholo!
***
Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.