Advertisers

Advertisers

KATIWALIAN SA DOT NG DUTERTE ADMIN NASILIP NG COA

0 220

Advertisers

NASILIP ng Commission on Audit (CoA) ang magarbong P236,500 kontrata ng DoT Office of Secretary (OSec) sa isang five-star luxury hotel sa Taguig City.

Binayaran kasi ng DoT ang buong contract cost para sa 75 katao gayong hindi naman nakonsumo ang pinagkasunduang deliverables dahil 13 lamang ang dumalo.

Sobra naman ng P449,150 at P95,300 sa halagang pinapayagan ng Executive Order No. 77 ang ginastos ng DoT OSec sa accommodation at pagkain sa hotels ng participants nilang dumalo sa iba’t ibang conference.



Bukod dito, may iregularidad din sa P1.5 milyong financial assistance ng OSec sa Pacific Asia Tavel Association (PATA) na siningil sa bugdet ng traveling expenses. Hindi rin tugma ang petsa ng supporting documents at walang official receipt ang Sponsorship Agreement ng ahensya sa PATA.

“We recommended that DOT OSEC and ROs concerned submit the required documents to support the regularity and validity of transactions. Otherwise, demand full refund of the amounts considered as irregular, unnecessary, unconscionable, excessive, and extravagant in nature,” pahayag ng COA.