Advertisers

Advertisers

Kai Sotto lumagda sa Wasserman talent agency

0 237

Advertisers

KUMPIYANSA si Kai Sotto na matupad ang kanyang pangarap na makapaglaro sa NBA matapos lumagda sa sports marketing at talent agency sa US na kilala na humahawak sa ilang magagaling na atleta sa boung mundo.

Ang Los Angeles-based Wasserman Media Group ay sinalubong si Sotto Miyerkules ng gabi sa instagram post, kinumpirma na kabilang siya sa ilang atleta na hawak ng agency.

“Maligayang pagdating sa #TeamWass, Wika ni Kai Sotto!”



Ang Wasserman ang may hawak sa top-caliber NBA stars gaya nina Russel Westbrook, Klay Thompson, Derrick Rose, Brook Lopez at Alex Caruso.

Si Sotto ay hindi nadampot sa nakaraang NBA 2022 Draft.Bago ang Draft, nag worked out siya sa Orlando Magic, the Indiana Pacers, at Sacramento Kings.

Ang dating Ateneo high school standout ay tinalikuran ang Blue Eagles program noong Marso 2019 at lumipad patungong US para hasain ang kanyang skills para paghandaan ang pangararap na makapaglaro sa NBA.

Lumagda siya sa The Skills Factory sa Atlanta, bago pumasok sa G League.

Pero ang kanyang pananateli sa Ignite team na binubuo ng ilang top NBA prospects- kabilang si Houston Rockets All-Rookie Team member Jalen Green- ay hindi nagtagumpay, iniwan ang pangkat para maglaro sa Gilas Pilipinas para sa Asian Cup Qualifiers.



Noong Marso 2021, Sotto ay naglaro sa Australian NBL club’s Adelaida 36ers, sumunod na taon ay nagdeklara na sumali sa NBA Rookie Draft.