Advertisers
ARESTADO ang isang dentist at kanyang live-in-partner nang masamsaman ng iligal na droga nitong Miyerkules sa Camaligan, Camarines Sur.
Naaresto ang magkarelasyong Jeffrey Zorilla, 46 anyos, dentist; at Fairly Rose Margallo, 36; ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng PDEA Camarines Sur, PIU, at Camaligan MPS sa buy-bust operation sa Zone 4 ng Barangay Tarosanan.
Nakuha sa dalawa ang 5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000 at drug paraphernalias.
“We do not favor anyone, regardless of their social status or profession, in our drive against illegal drugs. Pieces of evidence are now being prepared for the filing of charges against the suspects,” diin ni PNP OIC, Lt. Gen. Vicente Danao Jr..
Kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa Republic Act 9165.