Advertisers

Advertisers

‘Cleanup Day’ paigtingin – Mayor Honey

0 350

Advertisers

NANAWAGAN ng suporta sa 896 na mga barangay sa lungsod ng Maynila si Mayor Honey Lacuna na higit na paigtingin ang ‘Cleanup Day’ sa linggong ito upang magkaroon ng awareness ang lahat ng pamayanan na maging malinis sa kanilang kapaligiran lalo na’t napaulat na tumataas ang bilang ng kaso ng dengue sa bansa.

Matatandaan na noong unang linggo pa lamang sa kanyang tanggapan, ang bagong alkalde ng Maynila ay nagpalabas ng Executive Order na nagdedeklara na ang bawat Biyernes ng buwan ay itinatalaga bilang ‘Cleanup Day.’

Sakop ng order hindi lamang ang Manila City Hall kundi maging ang mga barangay, health centers, police stations, palengke at iba pa.



Layunin ng direktiba na panatilihing malinis ang kapaligiran sa lahat ng oras dahil ang malinis na paligid ay replektibo ng ugali, asal at kalidad ng serbisyo na kayang ibigay ng isang nilalang.

Ayon pa kay Lacuna ay napapanahon ang EO dahil ang mga dengue-carrying mosquitoes ay kadalasang namumugad at nangingitlog sa maruruming lugar.

Idinagdag pa ni Lacuna na dahil tag-ulan inasahan ang pagdami ng lugar kung saan nangingitlog ang mga lamok kung kaya’t kailangan itong linisin nang madalas lalo na sa ating lugar.

“With the threat of what health authorities described as an ‘alarming’ rate of growth of dengue cases recently, the cleanup day should in fact be observed daily and voluntarily for one’s own sake,” ayon kay Lacuna na isa ring doktor.

Sinabi ng kasalukuyang OIC ng Department of Health (DOH) na si dating Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nitong Martes na 15 sa 17 rehiyon sa bansa ay lagpas na sa epidemic threshold ng dengue, at nalagpasan na rin ang inaasahang bilang ng infections base sa nakaraang trends o figures ng mga nakaraang taon sa pareho ding panahon.



Base sa National Dengue Data mula sa DOH, may total na 64,797 dengue cases ang naitala sa bansa mula January 1 hanggang June 25, 2022. Ito ay 90 percent na mas mataass sa 34,074 dengue cases na naitala noong parehong panahon nang nakaraang taon.

Ayon pa sa DOH nakapagtala din ng 274 na mga nasawi, ito ay January, 36; February, 32; March, 39; April, 46; May, 63 at June, 58. (ANDI GARCIA)