Advertisers

Advertisers

Tickets sa AFF Women’s Championship binebenta na

0 204

Advertisers

BINEBENTA na ang ticket para sa AFF Women’s Championship simula kahapon Biyernes simula alas 2 ng hapon, anunsyo ng Philippine Football Federation (PFF).

Ang tickets ay available sa lahat ng SM Ticket outlets nationwide at online (SMTickets,com).

Ang PFF ay host ng tournament sa tatlong magkaibang venues: Ang Rizal Memorial Football Stadium sa Manila, Binan Football Stadium sa Binan, Laguna, at City of Imus Grandstand sa Imus, Cavite.



Lahat ng laro nang Philippine women’s national football team ay gagawin sa Rizal Memorial.

Ang Pilipinas ay sa Group A kasama ang Thailand,Indonesia,S ingapore, Australia, at Malaysia.

Habang ang Group B ay binobou ng defending champion Vietnam, Myanmar,Timor-leste, Cambodia, at Laos.

Lahat ng tatlong venues ay may limited seating capacity bilang tugon sa safety and protocols na ipinapatupad sa paligsahan.

Lahat ng manonoud ay magdala ng patunay na sila ay bakunado bago papasukin sa lahat ng venue.



Sisimulan ng Pilipinas ang kampanya sa Lunes, Hulyo 4, kontra Australia, ang top-ranked nation sa tournament.