Advertisers

Advertisers

Sa unang araw bilang alkalde: Mga tanggapan sa City Hall, binulaga ng surprise inspection ni Mayor Honey

0 221

Advertisers

BINULAGA ni Mayor Honey Lacuna ng surprise inspection ang mga tanggapan sa Manila City Hall upang personal na alamin ang mga kalagayan nito at kung paano ito mai- improved.

Sinabi ni Lacuna na sisimulan niya ang kanyang termino sa pagtataguyod ng kanyang kapwa manggagawa sa city government, partikular sa Manila City Hall, ang kahalagahan ng kalinisan at kaayusan sa mismong loob ng kanilang tanggapan at pook gawaan.

Ayon kay Lacuna ay dapat na tratuhin ng mga opisyal at manggagawa ang kanilang lugar kung saan sila nagtatrabaho bilang kanyang sariling bahay o tahanan.



“Naniniwala ako na ang kalinisan at kaayusan ay hindi bagay na likas sa kaugalian, bagkus ito ay dapat natututunan at nakasasanayan. Dapat natin itong linangin, isabuhay at palagiang gawin, nang sa gayon, magkakaroon tayo ng isang positibong kaugalian na mapanatili sa ating isip at puso ang masaya, malusog, simple, maayos at kasiya-siyang kapaligiran,” pahayag ni Lacuna.

Sinabi pa ng kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila na ang kanyang pamamahala ay ginagabayan ng isang sipi mula sa aklat na may titulong “Dream Big: See Your Bigger Picture!” na sinulat ni Israelmore Ayivor.

Sinasabi sa sipi na: “Be inspired, raising the bar of excellence in your life every day. Act better than before; grow higher than usual; think faster than normal.”

Binanggit din ni Lacuna na pagsusumikapan niya na patuloy na itaas ang antas ng serbisyo publiko sa lungsod sa pamamagitan ng maayos, epektibo at mabilis na pagbibigay ng lahat ng uri ng serbisyong kailangan ng lahat ng residente.

Sinabi pa ng alkalde na ang kanyang kapwa manggagawa sa lokal na pamahalaan ng Maynila at ang mga mamamayan ng lungsod ay magsisilbi bilang pinagkukunan niya ng inspirasyon sa araw-araw na pagtupad niya ng kanyang tungkulin.



“Nasa akin man ang katungkulan, pero nasa inyo ang higit na kapangyarihan. Magiging matagumpay lamang ang ating pamamahala kung kaisa ko ang bawat isang Manilenyo at Manilenya,” Lacuna stressed as she asked all of them to give her their wholehearted and full support, help and cooperation.

“Humaharap ako sa inyo, bilang isang ate, bilang isang ina, ang inyong door to door na doktora, at ang inyong kauna-unahang babaeng Mayor ng Maynila. Kasama ang ating bagong Bise Alkalde Yul Servo Nieto, at ang lahat ng mga Konsehal na bubuo sa ikalabing dalawang Sangguniang Panglungsod ng Maynila. Manalig at magtiwala tayo sa isa’t isa. Sama-sama tayo sa pagpapatuloy ng maayos na pamamahala para sa mas masigla at maunlad na Bagong Maynila,” sabi pa ng alkalde. (ANDI GARCIA)