Advertisers
BALIKAN natin ang buod ng inaugural speech at mga pangako ng mga nakaraang pangulo ng bansa mula kay late President Cory Aquino pagkatapos ng EDSA People’s Power 1 noong 1986.
Sa kanyang inauguration address, binigyang diin ni Cory ang pagkakapaslang sa kanyang mister, dating Senador Ninoy Aquino, na naging daan aniya para mapalaya sa diktadorya ang bansa at maipatupad ang karapatan at kalayaan ng mga Pinoy.
“Ninoy believed that only the united strength of the Filipino people would suffice to overturn a tyranny so evil and so well organized. The brutal murder of Ninoy created that unity in strenght that has come to be known as ‘Lakas ng Bayan’ – people power. People power shattered the dictatorship, protected those in the military that chose freedom, and today, has etablished a government dedicated to this protection and meaningful fulfillment of our rights and liberties.”
After ni Cory ay si Fidel Valdez Ramos, isa sa mga pasimuno sa pagpatalsik kay Ferdinand Marcos, Sr. Tirada niya: “We cannot dream of development while our homes and factories are in darkness. Nor can we exhort enterprise to efforts as long as the government stands as a brake – and not as a spur-to progress. Tulad ng natanaw ni Rizal, ngayon na ang panahon upang sabihin sa ating sarili – na kung nais natin makaahon, kung nais natin umunlad, dapat tayo’y kumilos sa ating sariling pagsisikap. Sa pagkilos na ito, sabi ni Rizal, dapat nating ibuhos ang buong liwanag ng ating mga kaisipan at lahat ng tibukin ng ating puso.”
Ang malupet na speech ay ang sumunod kay FVR, si Joseph “Erap” Estrada. Banat niya: “Walang kaibigan, walang kumpare, walang kamag-anak o anak na maaaring magsamantala ngayon.
At ngayon pa lamang sinasabi ko sa inyo, nag-aaksaya lamang kayo ng panahon. Huwag ninyo akong subukan.”
Higit 2 years lamang si Erap sa kanyang termino. Napatalsik siya ng People’s Power 2 dahil sa katiwalian. Na-convict siya sa Plunder at nakulong ng mahabang panahon. Napalaya siya nang bigyan ng absolute pardon ng sumunod sa kanyang pangulo, Gloria M Arroyo. Nakabalik sa politika si Erap, naging Mayor ng Maynila sa loob ng 2 termino.
Nang mapatalsik si Erap, umupo ang Vice Pres. niyang si GMA, na “nanalo” sa makontrobersiyal na eleksyon 2004. Speech ni GMA: “Everyday I shall get up and work for you. I shall make good and I shall do good for the good of all and not just for the cameras. The canvassing for public attention is over. I expect you to get up everyday to hold me accountable, in the full glare of transparent leadership. I shall wield the power of the Presidency to uphold truth and justice. I devote my life and treasure to serving your mandate. Do your responsibility and I shall do mine. United, how can we lose? Together, we will prevail.”
After ng kanyang termino noong 2010, nakulong si GMA ng ilang taon dahil din sa katiwalian. Na-dismiss din ang mga kaso laban sa kanya.
Sumunod kay GMA si late Noynoy Aquino, anak ni Cory. Sa kanyang inaugural speech, birada niya: “Walang lamangan, walang padrino, at walang pagnanakaw. Walang wangwang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawang-gawa. Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa. Kayo ang boss ko. Kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo.”
After ni PNoy ay ang astig na Duterte. Ang buod ng speech niya: “I know that there are those who do not approve of my methods of fighting criminality. In response, let me say this: I have seen how corruption bled the govt funds. I have seen how illegal drugs destroy individuals and ruin families’ relationships. Look at these from that perspective and tell me that I am wrong.”
Ito naman ang buod ng speech ng kasalulukuyan nating Pangulo, Bongbong Marcos Jr., pagkatapos ng kanyang panunumpa bilang ika-17 President ng bansa:
“Your dreams are mine. Pangarap nyo ay pangarap ko. How can we make them come true? How can we do it together? But I will take it as far as anyone with the same faith and commitment can as if it depended entirely on himself.”
Ang speech na ito ni BBM ay halos zerox copy lang ng inaugural speech ng kanyang ama nang maupo noong 1965.
“This is your dream and mine. By your choice you have commited yourselves do it. Come then, let us march together towards the dream of greatness.” – Ferdinand E. Marcos, Sr.
Kung kayo ang tatanungin: “Nagawa ba ng mga nakaraang pangulo ang kanilang mga ipinangako nila sa atin?”
Text or chat nyo nga ako?