Advertisers

Advertisers

Joem may inamin sa kanila ni Piolo

0 225

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

ETO naman pala ang dahilan kung bakit hindi nababakante si Joem Bascom, di naman daw ito namimili ng project.
Grab nga lang daw nang grab hanggang may offer o may trabaho na dumating.
Masaya rin ito at makakasama niya ulit ang tinaguriang Ultimate leading man.
Sa pagbabahagi ni Joem ay ibinahagi nito at may inamin sa kanila ng hunk actor na si Piolo Pascual.
Sa pag amin ni Joem na nung nagsisimula pa lang ito sa showbiz ay talagang ikinukumpara siya kay Papa P.
May mga anggulo kasi na pareho sila ng hulma.
At puwede nga raw silang gumanap na magkapatid sa project.
Noong una ay nahihiya si Joem na ikinukumpara kay Piolo hanggang masanay na lang ito.
Nagsisipag at doble kayod para sa kanyang mag ina, may isa na kasi silang dyunakis ni Meryll Soriano.
Kaya kailangan tanggap nga lang daw nang tanggap ng trabaho.
***
Ina ng anak ni Joaquin Domagoso na-bash, Claire Castro rumesbak
NAGSIMULA sa blind items na nahulaan agad ng netizens na isang young actor daw ang nakabuntis ng gf na may kapatid na Kapuso actress.
Ang tinutukoy sa blind items ay sina Joaquin Domagoso, anak ni outgoing Manila Mayor Isko Moreno at si Raffa Castro na gf nito.
At ang Kapuso actress naman na kapatid nito ay si Claire Castro.
Pumutok na nga ang balita na may anak na si Joaquin na 2 months old at ang ina nga ay si Raffa. Kung bakit naman rumesbak at bumuwelta sa bashersi Claire para sa nakababatang kapatid na si Raffa.
May post si Raffa sa kanyang socmed account na nag-selfie ito sa loob ng kotse.
Well, well, well…’Yun na!