Advertisers

Advertisers

Angel natupad ang pangarap na muling mag-abroad

0 203

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

INAMIN ng Kapamilya actress na si Angel Locsin na sobra niyang na-miss ang mag-travel abroad.
Gayunpaman, dahil sa restrictions sa travel dahil sa pandemyang dala ng Covid-19 virus, naunsyami ang lahat ng kanyang travel plans.
Ngayong open na ang maraming bansa sa pagtanggap ng mga turista at mga bakasyonista, isang mabuting balita ito para sa travel geek tulad ni Angel.
Sa kanyang Instagram account noon, nagbigay ng clue ang actress na papunta sila ng mister na si Neil Arce sa isang undisclosed foreign destination.
Katunayan, noong nakaraang linggo, nag-update siya sa kanyang socmed ng kanyang ganap na makikita silang naka-mask habang naghihintay ng kanilang flight sa Dubai International Airport.
Sa bago niyang post, nabalitaan na lang ng kanyang mga faney at followers na nasa Spain na pala ang aktres, na naging favorite travel destination din nina Bea Alonzo, Sofia Andres at Robin Padilla ngayong 2022.
Nagpatakam pa siya lately sa kanyang post habang naglalakad sa tourist place ng Valencia na may caption na : “Pass the paella, por favor “
Sa isa pang post, makikita naman ang snapshot ang photo nilang dalawa nila ni Neil habang nakahiga sa kanilang kuwarto sa isang hotel room.
May ilan namang kibitzers na nagsasabing nakumbinsi na rin ang aktres na safe nang magbiyahe dahil marami nang local celebrities tulad nina Kim Chiu, Xian Lim, Bea Alonzo, Vice Ganda, Dominic Roque at maraming iba pa ang nagagawa nang magliwaliw sa iba’t ibang panig ng mundo.