Advertisers

Advertisers

After 36 years…MARCOS BALIK-MALAKANYANG!

0 296

Advertisers

NANUMPA na bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. nitong Huwebes ng tanghali sa isang tradisyunal na seremonya na idinaos sa National Museum of the Philippines.

Makasaysayan ang naturang okasyon dahil ito ang pagbabalik ng mga Marcos sa Malacañang matapos ang 36 taon nang mapatalsik sila ng People’s Power, makaraan ang 21 anyos na pamumuno ng ama ng pamilya na si yumaong Ferdinand Marcos, Sr.

Si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang nangasiwa sa panunumpa sa tungkulin ng 64-taon gulang na Marcos, mas kilala sa tawag na BBM ng kanyang supporters.



Ang oath taking ay sinaksihan ng maybahay ni BBM na si Atty. Liza Araneta-Marcos, na nakatayo sa likuran ng bagong pangulo habang siya ay nanunumpa, gayundin ng kanyang mga anak na sina Sandro, Simon, at Vincent.

Dumalo rin ang kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos at mga kapatid na sina Senador Imee at Irene.

Sumaksi rin si Vice President Sara Duterte-Carpio at mga dating pangulo ng Pilipinas na sina Joseph “Erap” Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo, at iba pang kaalyadong politiko.

Kabilang naman sa foreign dignitaries na dumalo sa oath-taking sina US Second Gentleman Douglas Emhoff, Thai Deputy Prime Minister Don Pramudwinai, Vietnamese Vice President Vo Thi Anh Xuan, Chinese Vice President Wang Qishan, at Australian Governor General David Hurley.

Si Marcos, Jr. ay nagwagi noong May 9, 2022 presidential elections sa nakuhang mahigit 31 milyong boto, lamang ng higit 14 milyon sa pumangalawang si Vice President Leni Robredo. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">