Advertisers
NAGING panauhin sina Rep. Marissa del Mar at Engr. Jerenato Alfante, Chairman ng OFW (One Filipino Worldwide) Partylist sa programa nina Mike Abe at Jake Calabroso ang ‘Usapin Bayan’ ng SMNI News Channel nitong Biyernes ng umaga.
Tinalakay ang mga isyu at usapin tungkol sa mga manggagawang Filipino sa loob at labas ng bansa.
Ipinahayag ni Chairman Alfante na isa sa mga prayoridad ng OFW Partylist ang magkaroon ng OFW Desk sa municipalities at cities. Nais din nilang gawing boluntaryo ang pagbayad ng PhilHealth para sa mga OFW.
Layon din ng OFW Partylist na magkaroon ng technical schools sa bawat rehiyon sa Pilipinas.
Ayon kay Engr. Alfante, nais ng OFW Partylist na maaabot ang mga manggagawang Pilipino o mga out of school youth na nahihirapang makapag-aral dahil walang pera para ipangtutustos. Kaya hangad nilang magkakaroon ng technical school sa bawat munisipalidad o rehiyon para makapag-aral ang mga maralita at umangat ang antas ng kanilang pamumuhay.
Aniya, ang technical school ang simula para makakalikha ng economic zone sa bawat lugar.
Sinabi pa ni Alfante na magiging daan ito para sa mga anak ng OFWs na hindi masyadong umasa sa perang ipadadala ng mga magulang na nasa ibang bansa.
Paliwanag ni Alfante, na mahirap kumita sa ibang bansa kaya hindi dapat umasa ang mga anak ng OFWs sa mga ito kailangan rin nilang gumawa ng ibang paraan kung paano makakatulong umangat ang kanilang pamumuhay.
Sinabi naman ni Congresswoman Del Mar na may labing pito silang mga panukala para sa mga OFW na ihahain sa June 30. At isa na rito ang pagkakaroon ng memorandum of agreement sa pagitan ng employer, agency at OFW Partylist.
Hiniling ni Del Mar na huwag magpadala sa mga illegal recruiters, at ‘wag din mahanap ng mga direct hiring dahil wala umanong proteksiyon dito.
Sinabi ni Rep. Del Mar, na dapat maging miyembro ng OWWA ang bawat OFW na umaalis ng bansa para na rin sa kanilang kaligtasan.