Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
ISA sa mga naging bisita ni Vice President-elect Sara Duterte sa kanyang panunumpa nung June 19, sa Davao City ay si First Lady actress Sanya Lopez.
Stunning ang Kapuso star sa nasabing makasaysayang okasyon suot ang isang green and modern filipiniana jumpsuit.
Sa Instagram, ibinahagi ni Sanya ang ilang larawan mula sa oath taking ng bise-presidente.
“Privileged to be invited at VP Sara Duterte’s oath taking ceremony,” caption ni Sanya.
Matatandaan na tumatakbo rin bilang Pangulo ng Pilipinas ang karakter ni Sanya na si Melody Acosta sa GMA Telebabad series na First Lady.
Kasama rin ni Sanya sa oath taking ceremony sina GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon at President and Programming Consultant to the Chairman ng GMA na si Atty. Annette Gozon-Valdes.
Makikita sa mga larawan na ipinost ni Sanya na nakasama niya ang ilan pang pulitiko gaya nina Senator-elect Robin Padilla, mentor nitong si Atty. Salvador Panelo, at anak ni President-elect Bongbong Marcos na si Sandro Marcos.
Spotted din sa selebrasyon ang mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina.
Samantala, sa nasabing oath taking ceremony, inanunsyo ni VP Sara at incoming Department of Education (DepEd) Secretary na pag-aaralan nila ang muling full face-to-face class sa darating na Agosto.
***
MAY TV na, may live streaming pa! Simula last June 20, napapanood na ang GMA Telebabad shows sa YouTube, Facebook at sa GMA Network website.
Mas marami nang makakapanood ng well-loved GMA Telebabad series na First Lady, Bolera, at Love You Stranger dahil simula June 20, napapanood na rin ito sa Facebook account, YouTube channel at sa GMA Network website!
Sa huling dalawang linggo ng top-rating series na First Lady, timeout muna sa stress dahil magpapasaya ang mga kasambahay ng palasyon sa pangunguna nina Pepita (Kakai Bautista) at Norma (Cai Cortez).
Sa Bolera, naghahanda na si Joni (Kylie Padilla) na sumali sa isang billiards tournament.
Samantala, sa Love You Stranger, paunti-unti nang napagtatanto nina LJ (Gabbi Garcia) at Ben (Khalil Ramos) ang kanilang nakaraan sa Sta. Castela.
Huwag palampasin ang paganda nang pagandang kuwento ng First Lady, Bolera, at Love You Stranger sa Facebook page, YouTube channel at GMA Network website!
***
MULING nakatanggap ng pagkilala ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi dahil sa kanyang kontribusyon sa larangan ng telebisyon.
Ginawaran ng Maharlikang Parangal sa Larangan ng Musika, Sine, at Telebisyon si Yasmien ng Maharlikang Filipino Awards last June 17.
“Taos pusong pasasalamat sa ‘Maharlikang Filipino Awards’ sa Maharlikang Parangal na iginawad niyo sa akin sa Larangan ng Musika, Sine at Telebisyon,” sulat ni Yasmien sa kanyang Instagram post kalakip ang ilang larawan.
“Isang karangalan ang mahanay ako sa mga Pilipinong matagumpay sa kani-kanilang larangan. Nawa’y ang mga proyektong kinabibilangan ko at ang mga tauhan na ginagampanan ko’y magsilbing inspirasyon sa mga manonood tungo sa mas maunlad na kinabukasan.
“Mabuhay po kayo!”
Masayang tinapos ni Yasmien ang 2021 at mas masaya niyang sinimulan ang 2022 dahil sa sunud-sunod na pagkilalang natanggap niya.
Noong Disyembre 2021, kinilala si Yasmien sa 2021 Dangal ng Lahi Awards bilang Most Remarkable Actress of the Year.
Matapos ang tatlong buwan, binigyang parangal din siya ng Asia Pacific Luminare Awards bilang Asia’s Valuable and Significant TV Actress of the Year.
Mapapanood si Yasmien sa Start Up Ph kasama sina Alden Richards, Bea Alonzo, at Jeric Gonzales.
***
BAKLA AT TOMBOY, IN A RELATIONSHIP! d’ KINASAL AT NAGKA-ANAK PA!
Ito ang kuwentong tampok namin na pagbibidahan ni Boobay at Vaness del Moral! Pinamagatang “LGBT: Love Goals, Bakla, Tomboy,” ngayong Sabado sa Magpakailanman sa GMA at may hashtags na #MPK! #MPKLGBT.
Happy Pride Month! << Sama-sama tayong ma-in love sa makulay na love story ng isang bakla at tomboy na sina Jerico at Kat! d’
MAGPAKAILANMAN O #MPK presents “LGBT: Love Goals, Bakla, Tomboy” this Saturday at 8:15 PM! #MPKLGBT #MPKLoveGoals