Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAGHIHIMUTOK si Kris Bernal sa kanyang IG account na ang pinapangarap na honeymoon sa UK ay malabo na.
Bukod sa honeymoon, may plano sina Kris at mister na si Perry Choi na mag- watch ng concert ni Adelle sa London.
Pagpapatunay pa ni Kris ay bumili na sila ng airplane ticket at nag-buy na rin sa online selling ng ticket sa concert ni Adelle.
Pero till now hanggang 6 weeks na mula nang mag-apply ng UK visa ang couple ay wala pa.
Sa July 1 naman ni Adelle sa London ay wala silang visa para makarating doon.
Nanawagan naman si Kris sa mga gustong bumili ng concert ticket ni Adelle at DM lang daw ang actress ay ibebenta niya ang ticket na very reasonable ang presyo.
Sa website, ang presyo ng concert ticket ni Adelle na EasyOnMe sa London ay nagkakahalaga ng P108,000 na malapit sa stage.
Ang nabili na ticket ng Kapuso actress ay nagkakahalaga ng 23,000.
***
Hugot ni Dennis Padilla sa ‘di pag greet ng 3 anak nung Father’s day
KAHIT nga dinaan sa biro ng comedian na si Dennis Padilla ang paalala nito sa tatlong anak kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia at Leon sa kanyang IG, damang-dama ng netizens ang kalungkutan na napi-feel nito.
Nag-post pa nga ng picture si Dennis at una ay ang throwback picture nila ni Leon.
At naglagay ito ng komento na ‘anak you forgot to greet me in Father’s day, I Love You!’
Sa post naman na picture nito sa dalawang anak na babae na sina Julia at Claudia ay ganun din ang message nito sa pagkalimot ng pagbati ng Araw ng Mga Ama nung June 19.
Noong March din ay binati ng advanced Happy Birthday ang panganay na anak na si Julia at nung mismong kaarawan nito pero walang reply ang aktres sa ama.
Kaya may mga naka-relate na netizens sa nararanasan na pandededma ng anak sa kanilang ama.
Kaya nalungkot ang netizens sa feeling ng isang ama.
Matapos nga ipost ni Dennis ang kanyang hugot ay deleted na ito at bago pa man ‘yun ay mayroon naman na netizens na nakapag-screenshot at saka nito ipinost ulit.
Well, well, well…Yun na!