Advertisers

Advertisers

Janella wala pa ring direktang sagot sa hiwalayan kay Markus; Maris at Rico sa Vegas unang nag-date

0 331

Advertisers

Ni BETH GELENA

KAMAKAILAN lang ay nasa Boracay ang mag-inang Janella Salvador at Jude Trevor, ngayon naman ay nasa El Nido, Palawan silang mag-ina.
Sakay ng yate makikitang sobrang nasabik ang young momshie sa kanyang baby Jude na one-year-old kasama ang ilang kaibigan ni Janella, syempre without Markus Paterson.
A week ago lang ay nagsalita na si Janella hinggil sa rumored breakup nila ng aktor.
Sa panayam sa aktres, sinabi niyang aware siya sa publiko sa kanilang espekulasyon ng kanilang relasyin.
“Pero siguro I’m asking people to give us more time, i-respect kung anuman ‘yung nangyayari,” sey ni Janella.
Dagdag pa niya, “We’re okay, we’re totally okay,” she stressed.
Eh, san daw nanggagaling ang rumored na hiwalay na sila.
“Well, siguro hindi na maiiwasan na people will talk. Pero ayon nga, I hope people will respect our privacy as of now. And, eventually naman… Respect our privacy lang muna. But we’re okay.”
May nakainterbyu rin naman partner ng aktres.
Ani Paterson, “we’re very good.”
***
DAWN AT 2 ANAK ATTENDÈES SA 5TH DAY NG ROYAL ASCOT
NASA London ang pamilya ni Dawn Zulueta Lagdameo — ang husband na pulitikong si Lagdameo Jr. at dalawa nilang anak na sina Jacobo at Ayisha.
Sa London na rin nagselebreyt ng 13th birthday ang kanilang unica hija.
Ganap na ngang teenager ang anak ng aktres at pulitikong mister.
In-upload ni Dawn ang kuha nilang video na mag-anak to greet her daughter on her special day.
Nilagyan niya ito ng caption, “Happy 13th Birthday, Ayisha! May God look after you as you grow and find your path. Thank you for being the kind, imaginative, funny kid that you are [emojis] #iloveyouayisha #22June”
Bumati naman sa comment section ng IG ni Dawn sina Melissa Ricks at Princess Punzalan.
Ani Melissa, “Happy birthday ayisha [emoji]”
“Happy birthday to your daughter, Ayisha! [emoji]” comment naman ni Princess.
Sa United Kingdom din nag-celebrate ng nth birthday ang father-in-law ni Dawn na si Anton Lagdameo Sr. Na siya ang current Philippine ambassador.
Last June 12 ay may uploaded photos din ang aktres para sa kaarawan ng mister at ng Independence Day celebration na ginanap sa The East India Club in London.
“Celebrating my dear father-in-law & Philippine Ambassador to the United Kingdom, Antonio M. Lagdameo’s birthday [emoji] at the Philippine Independence Day reception in East-India Club [emojis]
“Grateful to be near our beloved family again and to meet and greet many of our ‘kababayan’s’ here in London [emojis]”
Maraming kaganapang nangyari sa.pamilya Lagdameo sa UK.
Last June 18 ay isa sa attendees si Dawn at ang dalawa niyang anak sa 5th day of the Royal Ascot.
A major event on the British social calendar, the Royal Ascot is an annual race meeting each June at the Ascot Racecourse in Berkshire, England.
June 19 naman ay nagbigay ng tribute ang aktres sa ama ng kanyang dalawang anak.
Sinulatan niya ng caption ang larawan ng kanyang mister, “[emojis] To the father who is the Hero for their kids, Happy Father’s Day from the one who the kids think is their villain. Love you so much, @aflagdameo! [emojis]”
***
MARIS AT RICO SA LAS VEGAS UNANG NAGDATE
NAGBALIK-TANAW ang magdyowang Rico Blanco at Maris Racal sa una nilang pagdi-date sa bago nilang uploaded video.
Pinost ng celebrity singer couple sa kanilang social media account na una raw nilang pagdi-date ay sa Las Vegas.
Nagkaroon ng chance na mag-encounter sa Tate nang magbakasyon doon si Maris ng five days lang, habang si Rico naman ay nag-eenjoy sa kanyang long vacation.
Hindi raw akalain ni Maris na magku-krus ang landas nila ng sikat na singer-composer sa American city.
Eto ang bagong uploaded video ng magdyowang singer, “Tapos sobrang biglaan…Wait, agad?”
Hindi raw plinano ang lahat, sinorpresa lang daw siya ni Blanco kaya napaisip siya “wait, agad.”
Ani actress-slnger, “To me that was so impossible, but ikaw nakaisip na ‘why not pupunta ka rin sa Vegas?’”
“Tapos yung first date natin, it was like sobrang, what! Yung first date natin sa Vegas! Sobrang unplanned yung mga trip natin noon!” alaala ni Maris.
Sabi naman ni Rico, “I love you” first. “Ako.”
Um-agree naman si Maris.
“Tapos sobrang biglaan, like, naisip ko nun, ‘Wait, agad? I love you na agad?’ Teka lang, hindi pa nga ako nagpapakipot,” dugtong pa ni Maris.
“Nag ‘I love you’ din ako agad kasi naawa ako, joke!”
“Ang bilis lahat eh. Hindi ko na alam. Pati ako nagulat ako sa sarili ko. Kasi matagal ko nang hindi sinasabi ‘yun eh,” sagot ni Rico. Maris agreed, recalling Rico saying later: “Shucks, I don’t do this.”
Ang cute panoorin ng bagong vlog nina Maris at Rico.