Advertisers
MULING tataas ang presyo ng diesel at kerosene sa susunod na linggo dahil sa mahinang palitan ng Philippine peso kontra dolyar.
Habang inaasahang mananatili naman ang kasalukuyang presyo sa gasolina o maaaring magkaroon ng bahagyang rollback base sa mga pagtaya.
Pahayag ni Atty. Rino Abad, director ng Energy Department’s Oil Industry Management Bureau, posibleng tumaas ang presyo ng diesel ng mahigit P1 kada litro habang ang kerosene naman ay maaaring may umento na mas mababa sa P1 kada litro.
Paliwanag ng DOE official, ang depreciation o ang pagmura ng halaga ng peso sa nakalipas na mga araw ay siya ring dahilan kung bakit wala pa ring rollback sa presyo ng diesel at kerosene.
Paliwanag ni Abad na ngayong linggo bumaba ang trading prices sa gasolina, diesel at kerosene.
Sa kasamaang palad aniya, sa loob lamang ng limang araw, halos piso ang itinaas sa Philippine peso kumpara sa halaga sa US dollar.