Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HALATANG may tampo si Dennis Padilla sa tatlong anak niya kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia at Leon, dahil ipinost niya sa kanyang Instagram account na nakalimutan siya ng mga ito na batiin noong nakaraang Father’s Day.
Gayunman, nakalimutan man ng iba pa niyang anak, mukhang masaya na rin si Dennis sa pagdiriwang niya ng nakaraang Father’s Day noong June 19, 2022, dahil ang apat niyang anak sa iba pang babae ay hindi naman siya nakalimutang batiin.
Sa Instagram, ibinahagi ni Dennis ang pasasalamat niya sa apat na anak na pinahalagahan ang kanyang pagiging ama sa kanila.
Una niyang ipinost ang mga larawan nina Gavin at Maddie Padilla, mga anak niya sa kasalukuyang partner na si Linda Gorton.
Sabi ni Dennis (published as is), “Gavin and Maddie… Miss you both… Ty sa father’s day greetings… Love you mga anak [praying hands, heart emojis]”
Kasunod nito ay ang handwritten card na sinulat ni Maddie.
Nakalagay dito: “Happy Father’s Day, you’r[e] the best papa in the whole wide world.”
Mensahe ni Dennis kay Maddie, “Love you Maddie… Ty sa greetings [praying hands, heart emojis]”
Nag-post din si Dennis ng lumang larawan niya kasama ang panganay at ikalawang anak niya sa dating partner na si Monina Gatus: sina Diane at Luis Padilla.
Sabi niya sa mga anak (published as is), “dianegbalmes @luweezyyyy salamat sa father’s day greetings nyo… Love you mga anak [praying hands, heart emojis]”
Kapag nakarating o nakita nina Julia, Claudia at Leon ang Father’ Day greetings ng mga kapatid nila sa ama, hindi kaya maging dahilan ito para batiin nila ng belated happy Father’s Day si Dennis? Or baka naman nabati na rin nila?
Naiintindihan naman namin ang sentimyento ni Dennis. Siyempre nga naman, Father’s Day, special na araw para sa kanilang mga haligi ng tahanan, kaya umaasa siya na babatiin siya ng tatlong anak, di ba?
***
BONGGA si Sid Lucero dahil walang takot siyang nagpakita ng kanyang ‘manoy’ sa latest movie niya na Virgin Forest mula sa Viva Films, at sa direksyon ni Brillante Mendoza.
At hindi lang isa, kundi tatlong beses niyang ginawa yun, huh! Palaban pala si Sid, huh!
Sabi ni Sid, hindi raw yun peke. Talagang ang ‘kargada’ niya ang ipinakita niya at hindi yun prosthetic lang.
“Actually, gusto ko sana, prosthetic. Kaso, hindi naman siya impressive. So, that’s all me. Ha-hahaha! I didn’t really mind. I just took it off, yeah! It’s a Brillante film.
“I really didn’t mind it! Plus, I’ve worked with other people before and they confirmed that even sa love scenes, if people have plaster kasi, there’s a bulge,” sabi ni Sid.
Pagpapatuloy niya,”And depending on the position, either the girl can feel that bulge, or let’s say if I’m under, I feel her. So, I’d rather just like, let it go some other places, outside of just there.
“Tapos for the scenes naman where I just took off my clothes, I don’t like the idea of having to hide it. It feels, like, unnatural. In fact when I didn’t turn to the camera du’n sa waterfalls, feeling ko, parang, ‘Ohhh, he’s just hiding it.’ Parang ganu’n, e, yung dating sa akin.
“I wanted to be as natural as possible lang talaga, as in you know. I mean, I think, it’s about time na, e. And Vivamax being an online thing is a good avenue for us to actually start opening ourselves up to the sexuality of things,”
Ang Virgin Forest ay napapanood na sa Vivamax.