Advertisers
Nakatakdang maghain ng batas si Negros Oriental Rep. Arnie Teves sa pagbubukas ng 19th Congress ngayong taon.
Ayon sa mambabatas, napapanahon na upang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa tamang pangalan nito.
“Dapat na po natin itama ang pangalan ng ating international airport. Akin po na ihahayag ang dapat na maging bagong pangalan nito sa sandaling ma-i-sumite ko na ito,” pahayag ni Teves na muling nanalo bilang Kongresista sa ikatlong distrito ng Negros Oriental.
“Kasabay po ng aking pag-sumite ay hinihiling ko rin ang suporta ng aking mga mahuhusay na kapwa mambabatas upang agarang maaprubahan at maisabatas ito,” dagdag nito.
Isa si Rep. Teves sa mga maraming batas na nalagdaan ng ng Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.