Advertisers
KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng magkasintahan na natagpuang patay sa magkaibang lugar sa Calbayog City, Samar.
Unang natagpuan Martes ng umaga ang bangkay ng 21-anyos na si Jade Andre Bestudio sa bahagi ng DPWH Consolatrix, Diversion Road sa Brgy. San Po-licarpo.
Si Bestudio ay second-year mechanical engineering student sa Northwest Samar State University at residente ng Brgy. Hamorawon.
May sugat sa ulo ang biktima na hinihinalang tama ng bala ng baril.
Sunod na natagpuan pasado 9:00 ng gabi ng Martes ang bangkay ng kaniyang girlfriend na si Roan Jeallen Lamparas, na unang naulat na nawawala.
Hinihinalang ginahasa si Lamparas dahil wala itong saplot pang-ibaba nang matagpuan sa damuhang bahagi na malapit sa Brgy. Bagacay.
Lunes ng gabi nang huling nakitang buhay ang magkasintahan sa bahagi ng Magsaysay Boulevard.
Nagsasagawa pa imbes-tigasyon ang mga awtoridad sa krimen