Advertisers

Advertisers

DOH walang kinalaman sa tangkang paggiba sa MCFH, ayon sa isang opisyal

0 205

Advertisers

anila COVID-19 Hospital (MCPH) sa Luneta.

Ito ang siyang binigyang linaw ni DOH Regional Director Dr. Gloria Balboa nang iprisinta niya kay Manila Mayor Isko Moreno ang “Chikiting Bakunation Certificate” sa isang simpleng seremonya na ginawa sa tanggapan ng alkalde sa Manila City Hall. Naroon din si Dr. Ed Santos, hepe ng Manila Emergency Operations Center (MEOC), sa nasabing okasyon.

Sa kanilang pag-uusap, sinabi ni Balboa kay Moreno na sinabi sa kanya ni Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan tungkol sa request ng National Parks Development Committee (NPDC) na tanggalin na ang field hospital.



“Sir we’re not aware of that po. Hindi ‘yan kinoordinate sa amin,” sabi ni Balboa kay Moreno.

Mariing tinanggihan ng alkalde ang planong tanggalin ang nasabing ospital para pagbigyan lamang ang isang concert na gagawin sa eksaktong lugar kung saan nakatirik ang ospital. Sinabi rin ni Balboa na tutol ang DOH sa request na tanggalin ang ospital dahil nangangamba pa sila sa kasalukuyang nagaganap na pagtaas sa kaso ng COVID.

Matatandaan na ang NPDC ay sumulat sa City Hall para tanggalin ang ospital para bigyang daan ang isang concert, na labis namang tinutulan ng lungsod dahil may mga COVID patients pa na ginagamot dito.

Ayon kay Moreno maliban sa mayroon pang COVID patients na ginagamot sa MCFH at dapat na mas bigyang pansin kaysa sa concert, mayroon pa ring COVID at base sa guidelines na ipinalabas ng DOH, ay hinihikayat pa nga ang local government units na mag-operate ng kanilang mga ospital upang magsilbing kahandaan sa patuloy na umiiral na pandemya.

“Nawi-weirdohan lang ako bakit nila minamadali, may pandemya pa,” buntunghininga ni Moreno.



Sinabi pa ng alkalde na sa bagamat hindi maituturing na full hospital ang field hospital ay nagsisilbi ito bilang ospital kung saan ginagamot ang mga COVID patients ng libre. (ANDI GARCIA)