Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA panahon ng pandemya, isa ang premyadong direktor na si Joel Lamangan sa masasabing pinakaabala.
Katunayan, marami siyang nagawang pelikula noong lockdown tulad ng “Anak ng Macho Dancer” at “Lockdown.”
Nang mag-relax ang health protocols, ginawa rin niya ang “Silab”, “Madam Butterfly” at “Island of Desire” na ipinalabas sa Vivamax.
Ngayon may bagong pelikula na naman siyang “Biyak” na ila-launch sa stardom ang baguhang si Angela Cervantes at mapapanood na sa Vivamax simula sa Hulyo 1.
“It’s the story of two sisters na nagkahiwalay at lumaking magkaiba ang kapalaran,” aniya.
“We are introducing two new actresses playing their first lead roles in ‘Biyak’. Si Angelica Cervantes, pinaampon when she was a child. Si Quinn Carillo, who also co-wrote the script with Troy Espiritu ang other sister niya. Lumaki siya sa mother nila. Dahil laki siya sa hirap, naging durugista siya, but she is street smart and later on, she turned into a police asset who helps the cops in apprehending drug traffickers,”pahabol niya.
Nilinaw din niya na walang masamang konotasyon ng titulo ng kanyang pelikulang “Biyak”.
“Hindi malaswa ang kahulugan nito sa movie ha, kaya huwag kayong ano. ‘Biyak’ here refers to the commission or percentage na nakukuha ni Quinn as a police asset sa bawat project na hawakan niya. Kung may ginawa silang project, humihingi siya ng cut or biyak,” esplika niya.
Aminado rin siyang maselan ang kuwento ng pelikula dahil tumatalakay ito sa sexual abuse.
“Kasi si Angelica rito, inampon ng mayaman, pero kahit mayaman, hindi siya naging maligaya dahil naging biktima siya ng sexual abuse ng taong kumupkop sa kanya. Kaya hinanap niya ang biological mother niya at natagpuan niya, so nag-meet sila ng long lost sister niyang si Quinn,” kuwento niya.
Hirit pa ni Direk Joel, sobrang bilib daw siya kina Angelica at Quinn na nakitaan niya ng mga potensyal bilang aktres.
“They delivered satisfactorily sa film na ito at maipagkakapuri mo iyong willingness nila to learn sa craft nila,” ani Direk Joel.
Sey naman ng beteranong direktor kung naging biktima na ba siya ng sexual abuse sa tunay na buhay, never pa raw itong nangyayari sa kanya.
“Victim of sexual abuse? Ako? Never! Hindi ko naranasan. Walang magkakalakas ng loob na abusuhin ako kasi, sa umpisa pa lang, tiyak na papalag na ako,” sey niya. “Wala namang mang-aabuso sa akin dahil hindi rin naman ako nang-aabuso. So wala pa akong anumang karanasan sa ganyan,” pagtatapos niya.
Bukod kina Angelica at Quinn, kasama rin sa cast ng “Biyak sina Vance Llarena, Albie Casino, Jim Pebanco, Maureen Mauricio at Melissa Mendez.
Speaking of film projects, may naka-line up ding “Peyri Tale” si Direk Joel para sa AQ Prime.